top of page
Search

ni Lolet Abania | May 8, 2022



Kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day, nagpahayag ng labis na pasasalamat ang aktres na si KC Concepcion sa kanyang inang si Megastar Sharon Cuneta.


Sa kanyang Instagram ngayong Linggo, nag-post si KC ng kanyang throwback picture kasama ang mommy niya, na todo-todo ang kanyang ngiti habang nakasandal naman sa kanya si Sharon.


“Mama, happy Mother's Day! Your voice is all I needed to jumpstart my recovery and win this battle against covid,” caption ni KC sa kanyang IG post.


“You are the salt to my pepper, you spice up my life in ways no one else can. I loved you the moment you made me, and I will love you forever and ever,” dagdag ni KC.


Enjoy your special day today @reallysharoncuneta xoxo, Tutti.”


Samantala, inanunsiyo kamakailan ni KC na magsisimula na siya sa bagong US film na “Asian Persuasion”.


 
 

ni Lolet Abania | October 10, 2021



Labis ang suporta ng aktres na si KC Concepcion sa kanyang stepdad na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na tatakbo sa pagka-bise presidente sa May 2022 elections.


Sa official Instagram page ni KC, sinabi nito na ang desisyon ni Sen. Kiko na tumakbo para sa ikalawa sa pinakamataas na executive position sa bansa ay pinakamalaking hakbangin na tatahakin ng kanilang pamilya.


“Your love for family and country is genuine and true. Thank you for all the things that you do. This is our family’s biggest milestone yet,” ani KC.


“Dad, whatever the outcome, let the welfare of others be your motivation and strength,” dagdag ng dalaga.


Nai-share din ni KC, na anak ng aktor na si Gabby Concepcion at Megastar Sharon Cuneta na asawa naman ni Pangilinan, sa kanyang followers ang brief profile ng stepdad, kung saan aniya ay qualified sa posisyon para maging bise presidente.


“A Harvard alumnus. A UP and La Salle raised lawyer. An Ateneo professor. 20 years of serving the people as Senator,” pagmamalaki ni KC.


“You deserve my vote and the Vote of the People. May God bless the long journey towards becoming the next Vice President of the Philippines. Mahal kita,” sabi pa ng aktres.


Gayunman, sa kabila na magkalayo ngayon ang dalawa, labis naman ang pasalamat ni Pangilinan kay KC sa suportang ibinibigay nito.


“Thank you for the love and support, my eldest. It means so much. God’s purpose not mine. We surrender the effort to the Almighty. The battle is His. Love you too,” ani Pangilinan.


Nagpahayag din ng suporta si Megastar Sharon sa political plans ng kanyang asawang senador.


Batid ng lahat na very vocal si KC, kung paano naging mabuting ama sa kanya si Pangilinan lalo na noong growing up years ng aktres hanggang sa ngayon.


Sa mga nauna nang post ni KC, binanggit din niyang dahil sa senador, “…that I have a thirst for knowledge, am able to focus on and accomplish goals at work, achieve things with the courage that I can, with hard work, patience, and most especially the constant act of educating myself.”


“Together with all that mom and my grandparents instilled in me I want to thank you for helping to make me, me, in more ways than one,” sabi pa ni KC.

 
 

ni Lolet Abania | September 12, 2021



Ibinulgar na ni KC Concepcion ang dahilan kung bakit mas magtatagal pa siya sa Amerika.


Sa kanyang pinakabagong vlog, isinama ni KC ang kanyang mga followers sa isang virtual trip mula sa Manila patungong Los Angeles, ito ay mula sa panahong iniwan niya ang Pilipinas noong Hunyo.


Sa nasabing vlog, ipinakita ng aktres sa mga netizens kung paano siya nag-apartment-hunting sa tulong ng mga kapwa-Pinoy friends niya sa United States.


Mapapanood din kung paano siya sumabak sa kanyang first Dodgers baseball match habang ipinakita ni KC sa mga followers kung saan siya nagpupunta kapag gusto niyang i-pamper naman ang sarili.


Sa end ng kanyang vlog, nai-share ni KC na siya ay mananatili sa US dahil sa napagdesisyunan niyang muling mag-aral.


“Iba rin naman ang buhay-Amerika. Iba rin naman talaga ang buhay mag-isa. Siyempre dito, ibang bansa pa rin ito. Even if I’ve studied in American schools most of my life, it’s still different to be living in a place that you’re not really familiar with as a local,” sabi ni KC.


“Every time pupunta kami ng Los Angeles ng family ko, it was just normally for vacation, for summer school nung bata ako. My cousins lived here and nagsa-summer school ako every year. And now that talagang nag-decide na akong mag-aral ulit, ito, napadpad ako ng LA. Napadpad ako ng America and making the most of my time here,” dagdag ng beautiful daughter nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


Umaasa si KC na tama ang kanyang naging desisyon na pumunta abroad at tapusin ang kanyang Gemology course.


“Wish me luck, pray for me, send me good vibes, send me light and love and I am sending you it back. I hope everyone’s doing well and sa lahat ng mga nandito sa LA, come by and maybe I will see you,” ani pa ng aktres.


Si KC ay graduate na ng isang degree in International Communications mula sa American University of Paris noong Agosto 2007.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page