Bigyang-daan natin ang ilang kaalaman tungkol sa darating na new normal pagkatapos ng COVID-19.
Tulad ng nasabi sa nakaraang artikulo, mapabibilang sa new normal ang hindi pagbubukas ng mga negosyong may maliit na puhunan. Ito ay kung hihigpitan ng mga awtoridad ang pagkakaroon ng shuttle service ng mga kumpanya na maghahatid-sundo sa mga empleyado. Napakalabong magawa ito ng mga negosyong wala namang malaking puhunan.
Gayunman, ang pagbibigay ng facemask sa mga manggagawa ay maaari nilang kayanin, pero sila rin ay mahihirapan dahil ito ay dagdag-gastusin, ganundin kung ipipilit ng pamahalaan na regular na paglilinis ng place of business.
Paano pa kung oobligahin sila na magkakaroon ng COVID-19 test ang mga tauhan o manggagawa? Kaya mahirap mang paniwalaan, malabong magbukas muli ang kanilang negosyo, lalo na kung maliit ang kanilang puhunan.
Anu-ano pa ang mga bagay na mapabibilang sa new normal?
Kinakaharap natin ang katotohanan na ang malalaking kumpanya lang ang makasusunod sa atas ng awtoridad.
Ang isa pang tagong new normal ay ang magnenegosyo pa rin ang malalakas ang loob dahil kailangan nilang mabuhay o buhayin ang kanilang pamilya.
Dahil dito, dadami ang mapabibilang sa underground economy dahil ang isa pang mahirap intindihin ay ang mga ayon sa kanila ay pinag-aaralan nila nang maigi ang mga ipatutupad na batas, pero ang nakikita o nararanasan ng mga Pinoy ay ang pabagu-bagong patakaran.
Wala namang nangangarap na ang ganitong sitwasyon ay mapabilang sa new normal kaya mas maganda na pag-aralang mabuti ang mga ipatutupad na batas.
Sa ayaw o sa gusto ng mga awtoridad, hindi na susundin ng mga tao ang social distancing dahil hindi puwedeng alisin ng tao ang nakasanayang pagiging sa close siya sa mahal sa buhay at kaibigan.
Ito ay sa dahil labag sa likas na katangian ng lahat ng may buhay ang ipinatutupad na social distancing. Kaya nakagugulat, pero dapat na tanggapin ng mga awtoridad na aayaw ang tao sa pagsunod sa social distancing.
Itutuloy