Bigyang-daan natin ang ilang bagay na puwedeng isabuhay ngayong may COVID-19 pandemic.
Sa nakaraang artikulo, tinalakay natin na ang pagtatanim ng gulay ay dapat mapabilang sa new normal. Marami ang naglalabasan na sinasabing new normal pagkatapos ng COVID-19, pero kung susuriin ay hindi naman maituturing na new normal ang marami sa mga ito dahil ito ay pansamantala lang at mababago rin paglipas ng panahon.
Ang tunay na new normal ay dapat na maisabuhay ng tao sa mahabang panahon.
Kaya inuna natin ang gulay na petchay ay dahil bukod sa madali lang itong itanim ay mabilis din itong anihin. Bukod sa petchay, narito ang ilang halaman na mabilis na mapakikinabangan.
Tulad ng petchay, more o less than 15 days lang mula itanim ay puwede na itong anihin. Ang lettuce ay ang pangunahing dahon na gulay na nasa salad at minsan, ito rin ang nagsisilbing pambalot ng lumpiang sariwa.
Nakagugulat dahil minsan, mahirap makita sa palengke ang gulay na ito, hindi dahil sa ito ay seasonal o pana-panahon lang kung itanim kundi ito ay mabilis na nauubos, kumbaga, it is selling like a hot cake o talagang mabili kaya nauubos agad kahit umaga pa lang.
Lalo na ngayong nauso ang masarap na manipis na meat ng pork at beef or na iihaw mismo sa harapan ng kakain at ibabalot sa lettuce. Ito ang trending ngayon, pero para iyong matikman ay dapat may lettuce ka na nakahanda.
Ang isa pang nag-ki-click sa mga tao sa ngayon ang fried egg na bago kainin ay ibabalot din sa dahon ng lettuce. ‘Ika nga, classy na ngayon ang fried eggs dahil sa lettuce.
Ang totoo, lalong sumasarap ang fried chicken kapag ito ay kinakain kasabay ng lettuce.
Muli, mabilis anihin ang lettuce dahil 15 days or more, may lettuce ka na at kapag marami kang itinanim ay marami kang aanihin. Gayundin, puwedeng-puwede pa itong maging dagdag na pagkakitaan sa maliit na espasyo sa tapat ng bahay.
Itutuloy