ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 9, 2021
Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang mga kapulisan na hulihin ang mga walang face mask, gayundin ang mga mali ang pagsusuot nito alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaakibat nito, pinaalalahanan ni Eleazar ang mga pulis na ‘wag saktan ang mga mahuhuling face mask violators.
Saad ni Eleazar, “We can arrest them but we should not punish them and most of all, we should not hurt them. If you do that, you will be answerable to me.”
Matatandaang una nang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na warning-an ang mga lalabag sa naturang kautusan at kung tatangging sumunod ay saka arestuhin.
Aniya, “I have instructed the PNP that the apprehension of violators shall always be in accordance with law and local ordinances where violators will be warned and instructed by police and local authorities to wear the face mask or face shield properly.” Ayon din kay Año, maaaring makulong nang hanggang 12 oras ang mga face mask violators.