ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | August 4, 2024
Dear Maestro,
Ano ba talaga ang zodiac sign na mayroon ako? Nalilito na kasi ako kung isa ba akong Virgo o Libra.
Maestro, ano ba ang dapat kong gawin para magtagumpay at lumigaya ako? Ang birthday ko ay September 23, 1998.
Umaasa,
Lerma ng Dalahican, Lucena, Quezon Province
Sa iyo, Brenda,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa langit ka ay magiging masaya ang buhay mo, at maliligtas ka sa anumang kaguluhan.
Ang may nakita kang anghel na nag-aawitan ay nagpapahiwatig din na magiging ligtas ka sa lahat ng uri ng kapahamakan, ito rin ay senyales na magkakaroon ka ng mga kaibigan na may mabubuting kalooban.
Samantala, ang pinakita sa iyo ng matandang lalaki ang impiyerno ay babala na may posibilidad kang malugi sa negosyo. Ang iba’t ibang mukha na nakita mo ay nangangahulugang papalitan mo na ang dati mong pinagkakakitaan. Kung namamasukan ka, mag-resign ka na, at humanap ng mas magandang trabaho na may malaking suweldo.
Ang malaking tao na nakita mo ay nangangahulugan na makakaranas ka ng mga sagabal sa daraanan mo na halos maubos ang lakas mo para malampasan ito.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna