top of page
Search

ni Eli San Miguel @K-Buzz | September 10, 2024



Showbiz News

Nanalo ng Outstanding Korean Drama award ang hit series na ‘Queen of Tears,’ kasama ang ‘Moving,’ sa Seoul International Drama Awards 2024. Noong Setyembre 9, inihayag ng Seoul Drama Awards Organizing Committee, na pinamumunuan ni Bang Moon-shin, ang mga nagwagi sa patimpalak.


Mayroong 346 na entries mula sa 48 bansa at rehiyon na isinumite ngayong taon, ang pinakamataas sa kasaysayan ng SDA. Ang “Queen of Tears” ng Studio Dragon ay pinagbidahan nina Kim Soo-hyun at Kim Ji-won, habang ang “Moving” mula sa Disney+ ay pinangunahan nina Han Hyo-joo, Zo In-sung, Ryu Seung-ryong, Lee Jung-ha, Cha Tae-hyun, Ryoo Seung-bum, Kim Sung-kyun, Go Youn-jung, at Kim Do-hoon.


Matatandaang napabilang ang 'Queen of Tears' sa Top 10 chart sa loob ng 13 magkakasunod na linggo at lumampas na sa kabuuang viewing hours na 600 milyong oras (617.8 milyong oras). Naging matunog din ito sa social media, lalo na sa mga Pinoy celebrities na todo-post noong umeere pa ang naturang K-Drama.

 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz | September 6, 2024



Showbiz News

Labis ang saya ng mga BLACKJACKs (fandom name ng 2NE1) dahil natupad ang hiling ni Sandara Park na masama ang Pilipinas sa comeback concert ng 2NE1. Inanunsiyo ng management agency ng 2NE1 na YG Entertainment ngayong Biyernes na kabilang ang Manila at Jakarta sa “2NE1 Asia Tour: Welcome Back” concert.


Sa Manila, gaganapin ang concert ng 2NE1 sa Nobyembre 16, Sabado. Magkakaroon naman sila ng concert sa Jakarta sa Nobyembre 23, Sabado. Talaga nga namang pinagkaguluhan ng mga fans ang announcement post ng YG sa Facebook.


Habang isinusulat ito, mayroon nang 72,000 reactions, 8,500 comments, at 22,000 shares ang post sa loob lamang ng tatlong oras. Huling nag-concert ang 2NE1 sa Manila sa pamamagitan ng “All or Nothing” tour noong Mayo 17, 2014.


Bago ang show sa Manila, magkakaroon ng “Welcome Back” concert ang 2NE1 sa Seoul mula Oktubre 4 hanggang 6, sa Olympic Hall sa Olympic Park. Ito ang unang concert ng 2NE1 sa loob ng sampung taon at pitong buwan mula nang magdaos sila ng “All or Nothing” concert sa Seoul noong Marso 1 at 2, 2014.

 
 

by Eli San Miguel @K-Buzz | September 4, 2024



Photo

Ilalabas ang kauna-unahang dokumentaryo tungkol sa lider ng BTS na si RM, sa ika-29 Busan International Film Festival (BIFF), na gaganapin mula Oktubre 2 hanggang 11 sa Busan, South Korea. Tinatalakay ng dokumentaryo na "RM: Right People, Wrong Place," na idinirek ni Lee Seokjun, ang walong buwan bago mag-enlist si RM sa military at ang paggawa ng kanyang pangalawang solo album na "Right Place, Wrong Person," na nagbibigay ng pasilip sa kanyang mga personal moments.


Ayon sa official website nito, “The documentary follows the journey of RM, the leader of 21st century pop icons BTS, as he explores his true self—both as Kim Namjoon the artist and as an individual. RM candidly confesses that he sometimes feels like an outsider in conventional settings (‘Right Place, Wrong Person’) and at other times feels out of place in unusual situations (‘Right Person, Wrong Place’).”


“He reflects on how honest he can be as both RM and Kim Namjoon, balancing gratitude for the attention he receives with the pressure and fear that come with his status. RM used the period between the release of his first solo album 'Indigo' and his enlistment to discover his true self, channeling his experiences and emotions into his second solo album. In capturingRM’s creative process for ‘Right Place, Wrong Person,’ the documentary provides profound insight into his authentic journey of introspection,” saad pa dito. Ngayong taon, opisyal na inimbitahan ng BIFF ang 224 pelikula mula sa 63 bansa, kabilang ang 99 pelikula para sa world premiere at international premiere.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page