ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 2, 2024
Inilabas na ng Netflix ang teaser at paunang sulyap sa "Squid Game" Season 2, ang matagal nang inaabangan na Korean series.
Ipinalabas noong 2021 ang unang season nito at naging biggest show sa Netflix na may 2.2 bilyong oras na napanood sa unang 91 na araw nito sa platform.
Sa teaser ng "Squid Game" Season 2, ipinakita si Gi-hun (na ginampanan ni Lee Jung-jae) na itinigil ang kanyang plano na pumunta sa US.
“I will find you. No matter what it takes,” deklara ni Gi-hun sa isang phone call sa airport.
Umiikot ang kwento ng "Squid Game" sa isang malaking grupo ng mga kalahok na naglalaro ng mapanganib na mga larong pambata upang manalo ng premyong 45.6 billion won.
Si Hwang Dong-hyuk, ang unang Asian director na nagwagi ng Emmy para sa Outstanding Directing, ay bumabalik bilang director, writer, at producer para sa "Squid Game" Season 2.
Kasama pa rin sa "Squid Game" Season 2 ang returning stars na sina Lee Jung-jae, Lee Byung-hun, Wi Ha-jun, at Gong Yoo. Ang new cast members naman ay kinabibilangan nina Yim Si-wan, Kang Ha-neul, Park Gyu-young, Lee Jin-uk, Park Sung-hoon, Yang Dong-geun, Kang Ae-sim, Lee David, Choi Seung-hyun, Roh Jae-won, Jo Yuri, at Won Ji-an.
Hinihintay pa rin ang anunsiyo ng Netflix tungkol sa release date ng "Squid Game" Season 2 ngayong taon.