ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 28, 2024
Photo: Angelica Panganiban-Homan - Instagram
Nag-share ng latest update si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram (IG) after a major hip surgery.
Muling nagpaopera ng kanyang balakang si Angelica para gamutin ang kanyang avascular necrosis.
Ayon sa mga experts, ang avascular necrosis is “the death of bone tissue due to a lack of blood supply”.
Sa kanyang latest IG post kahapon, isang short video ang mapapanood kung saan makikitang nakakalabas na ng bahay si Angelica at nagte-therapy.
Caption ni Angelica, “Recovering from a hip replacement varies from person to person. Minsan mabilis, minsan matagal.
“With @thephysiarephysicaltherapy naging madali recovery ko from surgery. Even before my operation, na-recommend na s’ya sa ‘kin ng ortho ko.
“Malaking tulong to strengthen my body to get ready sa major surgery ko. After 4 days post op, nakalakad na ‘ko without walker, PALAKPAKAN (laugh emoji).”
Nag-comment ang celebrity friends ni Angelica sa development ng kanyang ipinaoperang balakang.
Say ng best friend niya na si Glaiza de Castro, “Hipbam!!!”
“Tinde mo! Heal well, Mama,” comment ni Ryan Agoncillo.
Marami pa rin siyempre na mga kaibigan niya ang nagdarasal para sa complete recovery ni Angelica.
BY this time, tapos na ni Elijah Canlas i-shoot ang biopic ng Martial Law activist na si Edgar “Ed” Jopson, ang Edjop sa direksiyon ni Katski Flores.
Si Elijah ang gumanap bilang bata at nagkaeded na si Ed Jopson sa pelikula.
Kuwento ni Elijah nu’ng makausap namin sa QCinema International Film Festival mediacon, “Papunta na kami sa last stretch and uh, mahaba-habang proseso siya. Dahil nga, of course, it’s an independent movie.”
Ang Edjop ay ipinrodyus ni Joyette Jopson, anak ni Ed Jopson, na ginampanan ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa biopic.
“Kaya, it takes a while and it takes a lot of challenges, and you really have to climb a mountain to finish a film like this,” pahayag ni Elijah.
Dagdag pa niya, “But, everyone in this whole team down to the crew, down to the utility. We’re all very passionate about the message and the story. So, excited ako. Uh, pero malapit na. Last push, last push.”
Para kay Elijah, dream come true ang pagganap niya bilang si Ed Jopson sa pelikula.
“Honestly po, a dream come true talaga. I remember growing up studying about Edjop and even Lian Alejandro. Sabi ko, dream role ko ‘yan to portray, to act especially nu’ng Martial Law era.
“But, ginawa kong thesis noon sa Theater (UP Theater) si Lian Alejandro. So, sabi ko, gusto ko si Lian Alejandro.
“Tapos nu’ng ibinigay si Edjop, sabi ko, ‘Edjop is also a legend,’ you know. Bayani rin talaga si Edjop. So, nag-yes agad ako,” sabi pa ni Elijah.
Ang QCinema 12 ay gaganapin on November 8 to 17. Mapapanood ito sa mga piling sinehan tulad ng Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinema sa Trinoma, Red Carpet sa Shangri-La Plaza, at Powerplant Mall.