ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 8, 2024
Photo: Angie Mead King - IG
Nasunog ang red Acura NSX sports car ng famous motorsports racing driver na si Angie Mead King sa SLEX (South Luzon Expressway) kahapon. Buti na lang at nakaligtas si Angie sa aksidente.
Nag-viral ang video ng umuusok na naabong mamahaling sasakyang pangkarera ni Angie.
Sa kanyang Instagram (IG) ay ishinare pala ni Angie ang video ng nangyaring aksidente sa kanya. Halos maabo ang buong sasakyan dahil sa apoy nang makita ng emergency team ng SLEX. Makikita sa video na masusing inaalam ang nangyari sa sasakyan at palakad-lakad ang mga awtoridad ng SLEX, habang maririnig sa video ang boses ni Angie na may kausap sa telepono.
Ayon sa audio ng video, pabalik na ng Manila galing South si Angie. At nasa bandang Southwoods sa Biñan, Laguna siya nu’ng mangyari ang aksidente.
Ini-report din ni Angie sa mga awtoridad na nagsimulang sumiklab ang apoy sa bandang gitna ng kanyang sasakyan.
From Southwoods ay didiretso raw si Angie sa pinakamalapit na presinto sa Susana Heights sa bandang South para mag-file ng formal report.
Posibleng nanggaling si Angie sa kanyang farm, ang King Tower Farm sa Cavinti, Laguna that day.
Ayon sa Google, ang 2022 Acura NSX ay nagkakahalaga ng $169,500 o mahigit P9 M.
Nag-post ulit ng video si Angie sa kanyang IG after the incident happened. Sabi niya habang nasa loob ng sasakyan kasama ang sumundo sa kanya na friend niya na si Jet, “Thanks for checking. I’m alive. We’re gonna take care of towing the car. Uh, the car is dead, literally gone. I caught on fire after the exit (SLEX).
“And yeah, it’s gone. No words.”
May mga modifications siya na ginawa sa kotse na maaaring naging dahilan ng pinagmulan ng apoy.
Sumakit din daw ang lungs ni Angie dahil sa apoy pero kailangang makalabas ng sasakyan bago tuluyang masunog.
Nag-post ng comment ang partner ni Angie at dating Channel V host na si Joey Mead.
Say ni Joey, “Freak out much, ay nak, Honey. Glad you pulled over when you did (crying emoji).”
Nagpasalamat naman si Angie sa lahat ng mga nagpadala ng mensahe for checking her and she's now safe.
BALIK-TAPING na ang aktres na si Charo Santos-Concio sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) pagkatapos mabalita ang pagkawala ng kanyang boses.
Ipinost ni Charo sa kanyang Instagram (IG) ang piktyur nila ng ka-tandem niya sa BQ na si Lou Veloso bilang si Noy during the taping ng Kapamilya action serye.
Caption ni Charo: “My voice is back, kaya balik na rin tayo sa set! Grabe, halos isang buwan na pala mula nu’ng huling taping ko. Sobrang na-miss ko ang Quiapo, pati na rin ang buong cast, staff at crew!”
Charo plays the role of Tindeng na isang mapagmahal na lola kay Tanggol played by Coco Martin.
Samantala, marami ang natuwa at nag-post ng comment sa IG post ni Charo:
“Lola Tindeng & Noy are finally back.”
“Welcome back po, Lola Tindeng.”
“Kaya po pala nawala ang eksena n’yo ni Noy sa hopia-an. Hope you’re feeling better po! More power to Batang Quiapo.”
Huwag palampasin ang FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC and TFC.