top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | June 27, 2023




Sinita ni Pokwang ang isang viewer niya during her live sa Instagram kahapon. Napansin kasi ng komedyana ang name ng netizen kaya agad niyang sinabihan ito na huwag nang manood.


Kilala ni Pokwang ang naturang netizen na supporter ng kanyang ex-live-in partner na si Lee O’ Brian, kaya sinabihan niyang doon na lang manood sa social media ni Lee para makadagdag sa kita ng tatay ng anak niyang si Malia.


Tsika pa ni Pokie, suportahan ng naturang netizen ang pamasahe ni Lee pabalik ng US.


Hindi raw kasi sumasakay ng eroplano si Lee kapag ‘di ito business class.


Inamin naman ng komedyana na siya ang nagsanay kay Lee na laging sa business class ang upuan nito kapag lumilipad ng eroplano.


Sa IG post naman ni Pokie kahapon ay may nagtanong sa kanya kung ang "summer house" na kasama sa bago niyang content with Malia sa YouTube channel nila na Mamang & Malia vlog ay ang bago niyang tinitirhan.


Tanong ng netizen, “Hello, Mamang @itspokwang27. May tanong lang po ako kung ‘di n’yo po mamasamain, nasaan na po ‘yung isang bahay ninyo sa bandang Antipolo? So, diyan na po kayo nakatira na at bumili po kayo ng bagong tirahan?”


Reply ng komedyana, “Summer house lang po ito at may bagong bahay po ako sa Antipolo.”


Hindi lang kami sure kung ang bagong bahay sa Antipolo na tinutukoy ni Pokwang ay ‘yung huling tinirhan niya with Lee or after umalis ng padir ng kanyang anak sa poder niya ay lumipat naman silang mag-ina ng tirahan.


Kaya ba bumili ulit ng bagong bahay si Pokie sa Antipolo ay para iwasan si Lee o para ‘di na maalala ang mga ‘di magagandang pangyayari sa kanila sa dating bahay?


Anyway, ang rason kaya nag-live si Pokwang sa kanyang Instagram kahapon ay para sa advocacy niya.


Nais tulungan ng komedyana ang mga single parents, moms or dads, na may mga maliliit na negosyo. Tutulungan daw ni Pokie na i-post sa kanyang mga socmed accounts ang mga produkto na ibinebenta ng mga single parents nang libre at walang bayad.


Naka-relate si Pokwang sa mga single parents na may mga maliliit na negosyo. Knows naman natin na pinasok na rin ni Pokwang ang pagbi-business, especially nu’ng pandemic.


At ngayon, it’s time for her naman daw na tumulong sa ibang nangangailangan.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 22, 2023




Burado na ang ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Instagram tungkol sa paninita niya at pag-aaway nila ng boyfriend na si Batangas Vice-Governor Marc Leviste.


Last Monday, mabilis na kumalat ang naturang IG post ni Kris na isang art card, kung saan ay may nakasulat na: “Nothing can bring you peace but yourself.”


Sa caption ay sinita niya si Marc sa mga sinabi nito sa interbyu tulad ng “Taking care of me (Kris) in LA” at “Our happy and full of love relationship.”


Halatang nairita si Kris sa mga pahayag na ‘yun ni Marc, kaya ipinost niya agad sa social media ang kanyang paninita at pambubulgar na meron silang mga “unavoidable conflicts.”


Kaya malaking “bakit” ang tanong ng mga netizens sa pagbura ni Kris ng kanyang last IG post.


Could it be na hindi naayos ang sinabi ni Kris na mga “unavoidable conflicts” or nagkaayos na sila and back with each other’s arms again ang drama ng dalawa?!


Pero, bukod sa paninita ni Kris kay Marc, bahagi rin ng mensahe ng TV host-actress sa caption ang tungkol sa pag-reach out ng bunso niyang anak na si Bimby sa kanyang ama na si James Yap noong Father’s Day.


Did something go wrong kaya sa pag-reach out ni Bimby kay James?


Oh, well, let’s just wait sa mga susunod na posts ni Kris.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | April 30, 2023




Masayang-masaya si Kim Chiu sa kanyang pagbabalik sa It’s Showtime noong Biyernes.


More than a week ding hindi napanood si Kim ng madlang pipol sa Kapamilya noontime show dahil sa pagkakaospital ng kanyang ate na si Lakambini Chiu.


Sa ospital na rin inabot si Kim ng kanyang birthday, kaya ‘di nakapag-celebrate ang aktres sa It’s Showtime last April 19. Although, sinorpresa si Kim ng kanyang mga kaibigan sa coffee shop sa labas ng ospital.


Isinalaysay ni Kim sa kanyang Instagram post ang labis na kasiyahan sa kanyang pagbabalik sa It’s Showtime na napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z Channel 11, TV5, iWantTV at sa iba pang digital platforms ng ABS-CBN.


Ipinost ni Kim ang ilang pictures niya with her co-It’s Showtime host, pati na rin ang special guest nila that day na si Kim Hyun Joong ng Boys Over Flowers.


Caption ni Kim, “'Umulan man o umaraw. Kahit ang dulo ay 'di matanaw.' This line hits different now. #Faith


“Today I am back with my Showtime fam, after more than a week of being scared and wary.


As the saying goes 'There is no limit to what our limitless God will do in response to our limitless faith.'


“Thank you God for another day to witness your miracles and blessings. God is great, God is powerful. Thank you Lord for healing my ate @kamchiu. Thank you.”


Pinusuan naman ng mga kasamang hosts ni Kim sa It’s Showtime ang kanyang IG post.


“God is really good,” comment ni Vhong.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page