ni Julie Bonifacio - @Winner | April 22, 2022

Nagparamdam na rin si Jake Cuenca sa social media tungkol sa pinag-uusapang breakup nila ng girlfriend niyang si Kylie Versoza.
Sunud-sunod ang mga makahulugang posts ni Jake sa kanyang Instagram Story recently. Kongklusyon tuloy ng mga netizens, indirectly ay umamin na si Jake sa hiwalayan nila ni Kylie after almost 3 years bilang magkasintahan.
Ilan sa mga quotations na ipinost ni Jake sa kanyang Instagram ay nagpapakita ng concern at pag-comfort sa isang taong sugatan tulad ng: “I wish I could wipe away your tears,” at “I will try to fix you.”
Kani-kanya namang say ang mga netizens sa posts ni Jake.
“Ang lakas maka-high school nu'ng mga quotes, hahaha, na isine-share but seriously, I wish them both well.”
“Ano 'toh? Mga teen-ager lang?”
“Papansin ang dalawa.”
“Ang drama naman. Ba't 'di na lang mag-usap?”
May opinion din ang mga netizens kung ano ang possible reasons ng hiwalayan nina Jake at Kylie.
“Attitude? Fall out of love? Differences sa outlook?”
“Nagkasawaan na 'yan.”
“Wala kayang third party o cheating na naganap?"
“Baka may problema si girl.”
“May movie daw kasi, hayaan n'yo na. Haha!”
“Hmmm, mukha bang may tinutumbok si Jakey?”
Ang dami ring alam ng mga netizens kung sino talaga ang nakipag-break kanino.
“Siya pala talaga ang nakipag-break! Mga posts niya about girl before, sobrang akala mo, this is it na! Mukhang ayaw mag-settle down ni guy, baka iba ang gusto, hehe.”
“I will fix you? Isn't that just condescending?"
“Oo nga. May picture pa ng band aid. Parang nakakainsulto at ang sakit naman sa part ni Kylie kung wala sa kanya ang pagkakamali ng breakup.”
“Mukhang siya ang binreyk ni Kylie!”
“Seems it's the other way around. Read again.”
At the same time, marami rin ang nanghihinayang sa relasyon nina Jake at Kylie, if true na hiwalay na talaga sila.
“Ano kaya'ng nangyari sa kanila? In love na in love pa naman sila noon and very supportive sa isa't isa. Sad for them. Hope they can still fix this.”
Pero may payo rin na ibinigay ang mga netizens kay Kylie, “You deserve someone who is more serious and committed, Kylie.”
Ganern.