top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | February 8, 2024



Proud na ipinost ni Kathryn Bernardo ang picture niya para sa billboard ng isang sikat na  clothing brand sa kanyang Instagram kahapon.


This time, solo ulit si Kathryn gayung knows ng marami na magkasama silang endorser ng clothing brand ng kanyang ex na si Daniel Padilla.


And some say na ito raw ang ikatlong malaking product endorsement ng mag-partner na nawala sa picture si Daniel.


Anyway, nangangabog ang bagong pictorial ni Kathryn para sa sikat na clothing brand na  ilalagay sa EDSA.


Dume-daring ang pasilip niya sa kanyang dibdib, hah? Tama lang ‘yan na lume-level-up na si Kathryn. After all, she’s already 27.


Caption ni Kathryn, “Proud Bench girl since 2011! It was actually one of the very first brands that trusted me, 13 years later, still grateful to be part of this family.”


Nag-comment naman ang may-ari ng Bench na si Ben Chan sa IG post ni Kathryn.


“You are and forever be our Bench baby! Your positivity and strength defines you and has kept you in the pinnacle of success through the years. You have endured a lot and still remain on top of the game,” comment ni Ben Chan.


Pinuri naman si Kathryn ng kanyang mga celebrity friends na sina Loisa Andalio, Amy Austria, Karel Marquez, Say Alonzo, Sherilyn Tan, Chie Filomeno at si Sarah Lahbati.


Sabi nila, “EDSA IS SHAKING,” “EDSA never looked so good,” “My, My, My, she’s on fire,


“Ginawa mong Instagram ang Guadalupe. Nag-post ka ng carousel KathKaaath!!


According sa source namin from Bench, first time raw ginawa ng kumpanya na iisang artist lang ang nasa limang malalaking billboards sa Guadalupe. 


Grabe na talaga ang pag-bloom ni Kath, 'di ba? Ito pala ang resulta after breakup.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | November 14, 2023



Nanakawan si Arci Muñoz while on board a Korean airline pabalik ng Manila from Japan.


May gumetlag ng luxury bag ni Arci habang natutulog sa eroplano.


Naalimpungatan na lang si Arci nu’ng maramdaman na may lalaking nakatayo sa tabi niya while resting sa kanyang cubicle sa business class. At nagkunwaring may kinukuhang magasin ‘yung lalaki sa cubicle ni Arci.


Mabuti na lang at may babaeng foreigner ang nagtanong kay Arci kung kilala niya ‘yung lalaki at sinabi ni Arci na hindi niya 'yun kilala.


Kinompronta nu’ng foreigner na babae ‘yung lalaki at saka tinanong kung bakit nito ginagalaw ang luxury bag ni Arci.


Nagulat si Arci nu’ng malaman niyang nawawala ang kanyang bag, hanggang sa nakita na lang niya ito sa sahig malapit sa aisle.


Hindi agad tsinek ni Arci ang kanyang bag kung may nawala o nakuhang gamit niya ‘yung foreigner.


Na-amazed din si Arci sa hitsura nu’ng guy na nakaporma to the max with matching luxury brands na suot.


After two days ay may notifications na natanggap si Arci from her bank that someone is using her card. Buti na lang daw at maagap ang bangko ni Arci sa pag-inform sa kanya.


In-expose ni Arci ang nangyari sa kanya sa TikTok para malaman daw ng marami ang bagong (o dati pa?) modus ng mga magnanakaw.


Kalurks dahil level-up na pala ang mga magnanakaw ngayon. At totoong level-up kasi sa himpapawid pa sila nagnanakaw, huh!


Caption ni Arci sa kanyang post, “HORROR STORY IN THE SKY. @Korean Air hope to hear from you.”


Pero ang ilang netizens, imbes na makisimpatya sa kanya, mas pinansin pa ang kanyang hitsura.

"Mukha na siyang AI."

"She's unrecognizable na. Kung may before and after photo, maliligaw ka."


“Mukha niya. But it doesn’t mean I don’t have any care, concern sa nangyari sa kanya. Kasi, it can happen to me and anyone. Kaya nga napatingin sa post na ito dito kay FP.”


“Mga sabaw ang taong mapagpuna sa physical na anyo ng tao. Karma is digital.”


“She’s making this video more for the content. Remind niya muna sarili niya before reminding others. Check muna sarili niya before blaming Korean air.”


“True. Walang delikadesa mga tao and ang babaw.”


So, there!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | September 4, 2023


Mabilis na nag-trending sa Twitter ang ipinost ng international singer na si Mariah Carey tungkol sa Pasko sa Pilipinas.


Knows pala ni Mariah kung paano mag-celebrate ng Pasko ang mga Pinoy at nagsisimula ito pagsapit ng unang araw ng “ber” months which is on September 1.


Nabanggit ito ni Mariah nu’ng una niyang ipinost sa Twitter ang tungkol sa Christmas song niya na All I Want For Christmas Is You.


Tweet ni Mariah, “@MariahCarey's All I Want For Christmas Is You received 316K streams on Spotify yesterday, a 75% increase compared to the same day in 2022.”


And then, ini-retweet ni Mariah ang kanyang post with matching caption kung saan binanggit niya ang mga Pinoy.


Tweet ni Mariah, “Not yet!!!!”


Dugtong pa nito sa ibaba ng kanyang caption, “I’ll allow it for my Filipino lambs though! (I don’t make the rules!)”


Siyempre pa, kinilig ang mga Pinoy fans ni Mariah. At may nag-suggest pa na mag-concert ang international singer dito sa ‘Pinas sa December.


“Yasss!!! Christmas in PH is Mariah forever!”


“Hahaha! Sana all ang mga Filipino. Shout-out to Mariah Carey daw, oh, hahahaha!”


“We are waiting for a Christmas concert here in the Philippines, let’s break record @MariahCarey!”


“Ms. Carey in the know!!”


In fairness kay Kumareng Mariah, ha!


'Katuwa lang na kung dati, si Jose Mari Chan lang ang in demand at biglang lumalabas 'pag 'ber' months na, ngayon, join na rin si Mariah!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page