ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 30, 2024
Photo: Ice at Liza - IG Ice Seguerra - Instagram
Planong gumawa ng pelikula ni Ice Seguerra based sa kanyang buhay at “misis” niyang si Liza Diño about “trans-fatherhood.”
Si Ice ang magdidirek ng pelikula at si Liza ang magsusulat ng kuwento. May participation din daw dito ang unica hija nila na si Amara.
So, it’s a family collaboration na wini-wish nila na matuloy. Gusto rin daw nilang kunin para sa movie na gagawin nila ang transman na si Jesi Corcuera.
Habang pinaplano ang movie ay maghahanap din daw sila ng investor(s) na magko-co-produce sa gagawin nilang proyekto na may pamagat na Trans-Fatherhood.
And speaking of “fatherhood,” nag-follow-up kami kay Ice sa mga naka-freeze niyang “eggs.” Nandoon pa rin daw ang limang “eggs” ni Ice. Safe naman daw 'yun hanggang kailan sila mag-decide na magka-baby ni Liza. As long as tuluy-tuloy din ang pagbabayad nila. Kaya kasama sa binabayaran nila ang pagpapa-freeze ng eggs niya.
Medyo nagkakaroon ng second thoughts sa pagtuloy ng plano nila ni Liza to have a baby. Aminado kasi si Ice na nagkakaedad na rin siya. He's 41 years old already. And by the time na magka-baby sila ni Liza, mahina na siya para mag-alaga ng anak.
Plus, parehong super busy na sila ni Liza. Patuloy na lumalaki rin ang kanilang Fire & Ice Production.
Gaya na lang ng matagumpay na concert ni Ice, ang Ice Seguerra’s Videoke Hits: OPM Edition na magkakaroon ng repeat sa November 8, 2024 at the Music Museum.
This is the third edition of Seguerra’s immersive Videoke Hits concert series, giving the audience an interactive experience that combines the fun of karaoke with the excitement of a live concert.
Pahayag ni Ice, “Nakakatuwa itong videoke. Nagsimula ito nu’ng 2016, pero parang basta earlier on pa. Nakita ko nu’ng lumabas sa Facebook ko, ang FB post ko, ang simula niyang concept ay kakanta lang ako ng videoke songs. Tapos, ire-rearrange lang my way, how I sing it.
“Pero ang ganda talaga ng idinagdag ni Liza na element na talagang siya ang nakaisip. Sabi ni Liza, ‘Let’s involve the audience.’
“Kasi for me, ‘yun 'yung naging magic ng show, eh. Kung walang ganoon, it’s just another show na kumakanta lang ako ng mga songs na nasa videoke.
“Pero eto, dahil may audience element, it’s a big element. Suddenly, it became so different.”
Nakausap namin si Ice sa mediacon ng Ice Seguerra’s Videoke Hits: OPM Edition sa Fire & Ice Studio sa Kyusi last Monday.
Twenty-five songs ang nakalistang kakantahin ni Ice sa concert. Pero karamihan dito ay medley na may tig-apat hanggang anim na kanta. Kaya more than 40 songs ang kantang nakapaloob sa konsiyerto.
“Sa first ng concert, tinawag ko na Welcome to My Videoke World. Eto talaga 'yung kinakanta ko sa videoke. Hindi puwedeng wala ang songs of Martin Nievera, Gary V., sina Ogie (Alcasid), si Joey Albert, si Ella Mae (Saison), lahat sila.
“Tapos ‘yung next, it’s Jam with Ice By request. So, sa part na ‘to, eto ‘yung fan favorite. What we do like sa past Videoke concert ko, may QR code sila. All they need is to scan and they have to show.
“Then magbobotohan sila. Kung ano ‘yung tatlong pinakamataas na kanta, kakantahin namin on the spot. And then, doon na papasok ‘yung videoke relay.
“After that, doon na pumasok ‘yung Ice on File, ‘yun ‘yung songs na na-mention ko kanina, ‘yung mga songs na ni-rearrange namin para magkaroon ng ibang flavor na bumagay sa boses ko. And then, of course, my hits sa dulo. Pati ‘yung dance music,” lahad ni Ice.
Kabilang sa mga highlights ng Ice Seguerra’s Videoke Hits: OPM Edition ay ang SB19’s viral hit Gento and Ice’s much-talked-about dance performance to BINI’s Salamin, Salamin.
This event is produced by Fire and Ice LIVE! in partnership with Platinum Karaoke, and proudly sponsored by Katinko, with TRUE FM 92.3 as the official media partner.