ni Twincle Esquierdo | November 14, 2020
Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na alamin ang nangyaring pagbaril at pagpatay sa isang hukom sa Maynila nitong Miyerkules.
Pinaghihinalaan nilang pinatay si Judge Maria Teresa Abadilla ng kanyang sariling clerk of court na si Atty. Amador Rebato,Jr. sa kanyang sariling opisina sa Manila Regional Trial Court Branch 45 at pagkatapos ay binaril din ng suspek ang sarili.
"Though Judge Abadilla's death appears to have arisen from an internal issue with her clerk of court, I have nonetheless directed the NBI to conduct a parallel probe, considering that the incident has implications on the personal security of our judges and justices," sabi ni Guevarra.
Inutusan naman ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta si Court Administrator Jose Midas Marquez na higpitan ang seguridad upang hindi na maulit ang nangyaring insidente.
"The passing of Judge Abadilla is indeed a big loss to the Judiciary because I personally know her to be an upright and highly competent magistrate," sabi ni Peralta.