top of page
Search

ni Lolet Abania | June 17, 2022



Napili sina dating Senate president at beteranong mambabatas na si Juan Ponce Enrile, at outgoing Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na maging bahagi ng gabinete ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Sa isang statement ngayong Biyernes, sinabi ni Press Secretary-designate Trixie Cruz-Angeles na si retired General Jose Faustino Jr. ay naidagdag din sa listahan ng mga opisyal ng Marcos’ Cabinet.


Ayon kay Angeles, si Enrile ang magiging Presidential Legal Counsel, si Guevarra bilang Solicitor General, at si Faustino ang siyang senior undersecretary at officer-in-charge, at sa kalaunan ay kalihim ng Department of National Defense (DND).


Sa Hunyo 30, nakatakdang maupong pangulo ng bansa si P-BBM. Sinabi ni Angeles na ang bagong nominasyon ang highlight ng commitment ni P-BBM hinggil sa aniya, “to encouraging economic development and inclusive growth.”


Si Marcos, anak ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay nangakong ipaprayoridad ang agrikultura, healthcare, edukasyon, infrastructure development, digital infra, job creation, at ang utilization ng renewable energy.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 26, 2021





Pinag-usapan ng mga kritiko ang nangyaring dayalogo sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at dating Senate President Juan Ponce Enrile hinggil sa West Philippine Sea at ang impact nito sa 2022 national election, batay sa ginanap na Pandesal forum sa Kamuning Bakery kaninang umaga, May 26.


Matatandaang naging guest speaker ni Pangulong Duterte si Enrile sa kanyang Talk to the People address nu’ng ika-17 ng Mayo, kung saan sinabi ni Enrile sa Pangulo na,


"If I were in your place, I would've done the same thing. What else can a president of this country do under our present national circumstance? You can shout, you can beat your breast, you can raise your fist. Without any back-up, that is just noise."


Dagdag ni Enrile, "Hindi natin maaasahan ang America sa mga ganitong usapin.”


Sinunod lamang ng pangulo ang payo ni Enrile, sapagkat aniya, “He was there right at the beginning. So, sa kanya ako makinig kasi sa kanya ako bilib sa utak at pag-intindi nitong problema sa ating West Philippine Sea.”


Opinyon naman ni Executive Director Ramon Casiple ng Institute for Political and Electoral Reform (IPER) sa Pandesal forum kanina, “They need to negotiate diplomatically because we can’t afford war… Last year, Australia, US, Europe, now this India, Japan, other countries, has been side already in our position.”


Matatandaan ding sinabi ng Pangulo na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa West Philippine Sea (WPS) at ‘wag gamitin ang COVID-19 sa pangangampanya sa 2022 national election.


Ikinabahala rin nina Research fellow of Asia Pacific Pathways Foundation Lucio Blanco III Pitlo at University of Asia & the Pacific Professor Dr. Robin Michael Garcia ang posibilidad na umabot pa hanggang sa susunod na administrasyon ang usapin sa WPS at ang lumalaganap na COVID-19.


Sa ngayon ay ipinapayo sa mga botante na maging mapanuri pagdating sa botohan. Kabilang naman sa mga umiingay na pangalan sa parating na eleksiyon ay sina Senator Bong Go, Senator Manny Pacquiao at Davao Mayor Sara Duterte na puro taga-Mindanao.


Tinalakay din ni Pitlo ang posibilidad ng pagtakbo bilang pangulo ng baguhang Manila mayor na si Isko Moreno, kung saan mga taga-Luzon lamang daw ang nakakakilala rito at posibleng bumoto sa kanya pagdating ng eleksiyon.


Samantala, nakatakda namang maglabas ng survey sa Hunyo sina Dr. Garcia tungkol sa possible national candidates sa pagka-presidente, bise-presidente at mga senador.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page