top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 26, 2021



Makakalabas na ng ospital si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, ayon sa kanyang anak na si ex-Senator Jinggoy ngayong Lunes.


Pahayag ni Jinggoy sa kanyang Facebook post, “Our family is overjoyed to announce that our father will finally be discharged from the hospital today.”


Nagpasalamat din ang dating senador sa mga doktor ni Erap at sa lahat ng mga nagdasal para sa paggaling nito.


Saad pa ni Jinggoy, “But most of all, we would like to thank our Lord Almighty for His love and guidance through all of this.”


Matatandaang isinugod sa ospital si Erap noong Marso 28 matapos siyang magpositibo sa COVID-19. April 13 naman nang magnegatibo na ang resulta ng COVID test nito.


Samantala, si Erap ay nagsilbing pangulo ng bansa simula noong 1998 hanggang 2001. Naging Manila mayor din siya noong 2013 hanggang 2019.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 17, 2021




Bumuti na ang kalagayan ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada mula nang ibalik siya sa intensive care unit (ICU) para sa non-COVID patients, ayon sa Facebook post ni former Senator Jinggoy Estrada ngayon.


Aniya, “My father is doing better today. His medications for blood pressure support are being lessened and his kidney function is improving. Overall, he seems to be responding well to measures to control the lung infection.”


Matatandaang nagpositibo sa COVID-19 si Erap noong nakaraang buwan at dinala sa ICU dahil sa pneumonia.

Ika-9 ng Abril nang tanggalin ang ventilator support sa kanya at inalis siya sa ICU matapos gumaling sa virus.


Nu'ng isang araw ay muling ibinalik sa ICU ang dating Pangulo matapos ma-diagnose ng bacterial lung infection. Patuloy namang inoobserbahan ang kanyang kondisyon.


“He is still on oxygen support but continues to be alert and oriented. He still remains at the ICU for further monitoring. Please continue to pray that his progress continues,” sabi pa ni Jinggoy.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 29, 2021




Isinugod sa ospital si dating Pangulong Joseph 'Erap' Estrada matapos magpositibo sa COVID-19, batay sa Facebook post ni dating Senador Jinggoy Estrada ngayong umaga, Marso 29.


Aniya, "Sa aking mga kababayan, nais ko pong ipaalam sa inyo na ang aking ama na si dating Pangulong Joseph Estrada ay isinugod namin sa ospital kagabi sa kadahilanan ng panghihina ng kanyang katawan.Na-diagnose na po siya na positibo sa Covid 19."


Dagdag pa niya, "Stable po ang kanyang kondisyon at ako po ay humihingi ng inyong mga panalangin sa kanyang agarang paggaling. Maraming salamat po! Stay safe, mga kababayan ko!" Sa panayam kay Jinggoy ay sinabi niyang Huwebes pa lamang ay nanghihina na ang kanyang ama. Pabalik-balik ito umano sa banyo at inakala niyang dahil lamang sa paninigarilyo kaya ito nahihirapang makahinga.


Kuwento pa niya, "Ipina-swab ko that day, negatibo naman. Pagkatapos, kahapon napansin kong mahinang-mahina siya, hiningal. Doon na ako naalarma. Inuubo rin. Sabi ng doktor na kakilala ko, dalhin na sa ospital.


"Unang-una, mahigpit naming sinasabi sa kanya na senior citizen siya, madaling mahawa. Siguro one of his visitors, merong may COVID, nahawa, 'di rin natin alam," paliwanag pa niya. Sa ngayon ay naka-self-quarantine na si Jinggoy matapos maging close contact ng 83-anyos na dating pangulo at former Manila mayor na si Erap Estrada.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page