top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 4, 2021



Nagsalita na ang pamunuan ng fastfood chain na McDonald's Philippines sa pagkakadawit ng kanilang pangalan sa fake social media post kaugnay ng kontrobersiyal na ‘fried towel’ ng Jollibee.


Mabilis na nag-viral ang isang social media post na inilabas matapos ang insidente ng fried towel kung saan makikita ang plato ng fried chicken at may caption na “Our competitor threw in the towel” at nakalagay ang logo ng McDonald’s.


Pahayag ni McDonald’s Philippines PR and Communications Senior Manager Adi Timbol-Hernandez, "McDonald’s Philippines did not and would not produce or release any disparaging material against any brand.


"To reiterate, this piece of content was not made by McDonald’s Philippines and was never posted on any of the brand’s digital assets.”


Matatandaang kamakailan ay isang netizen na nagngangalang Alique Perez ang nag-post sa Facebook na um-order siya ng fried chicken sa Jollibee Bonifacio Stop Over branch ngunit ang natanggap niya ay isang ‘deep-fried towel’.


Nang makarating sa pamunuan ng Jollibee, ipinasara ang naturang branch ng 3 araw para maimbestigahan ang insidente.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 3, 2021



Isinara ang isang branch ng Jollibee fastfood chain sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig matapos mag-viral ang post ng isang netizen na um-order ng fried chicken ngunit ‘fried towel’ ang natanggap.


Kaagad naglabas ng pahayag ang Jollibee Foods Corp. at ipinag-utos ang pagpapasara sa branch sa BGC sa loob ng tatlong araw.


Saad pa ng Jollibee, “This concerns the customer complaint on food ordered late evening of June 1 from a franchised store in Bonifacio Global City. We are deeply concerned about this matter and have conducted a thorough investigation on the incident. It is unfortunate that deviations from Jollibee’s standard food preparation procedures occurred on the part of certain personnel of the store.”





Anila pa, “As a result of this incident, we have directed the Jollibee Bonifacio – Stop Over branch to close for three days starting tomorrow, June 3, to thoroughly review its compliance with procedures and refrain its store team to ensure that this will not happen again. We will also send out reminders to all stores to ensure that strict adherence to Jollibee’s food preparation systems.”


Samantala, ang naturang netizen na nag-upload ng ‘fried towel’ ay gumagamit ng username na Alique Perez sa Facebook.


Aniya, um-order siya ng fried chicken via delivery app. Napansin nila umano na mahirap i-slice ang ‘manok’ hanggang sa mapag-alamang tuwalya pala na nakabalot ng breading ang naiprito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page