top of page
Search

ni Lolet Abania | January 11, 2022



Nasa kabuuang 168,000 doses ng Johnson & Johnson (J&J) COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa ngayong Martes ng hapon.


Lumapag ang shipment ng mga nasabing bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-4:00 ng hapon.


Ang single-shot vaccines, na manufactured ng J&J subsidiary Janssen Pharmaceuticals, ay donasyon ng United States at ipinadala sa Pilipinas sa pamamagitan ng global vaccine-sharing na COVAX facility.


Sa ngayon, nakapag-administer na ang bansa ng 114,249,221 COVID-19 vaccine doses.


Habang tinatayang nasa 52 milyon Pilipino ang fully vaccinated at nasa 3.5 milyon indibidwal ang natanggap ang kanilang booster shots.

 
 

ni Lolet Abania | July 16, 2021



Dumating na ang 1.6 milyong doses ng Johnson and Johnson (J&J) COVID-19 vaccines na donasyon ng gobyerno ng United States ngayong Biyernes nang hapon.


Lumapag ang eroplano sakay ang kabuuang 1,606,000 doses sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, bandang alas-4:30 ng hapon.


Ito ay bahagi ng 3.2 milyong doses ng single-shot J&J vaccine na donasyon ng Amerika sa pamamagitan ng COVAX Facility.


Inaasahan naman ang ikalawang batch ng J&J vaccines na dumating bukas, Sabado, kung saan may kabuuang 3,213,200 doses na ang naibigay sa bansa.


Ayon sa isang Reuters report, ang Pilipinas ay makakatanggap ng kabuuang 16 milyong vaccines mula sa US sa pamamagitan ng COVAX Facility.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 10, 2021




Nilinaw ng Department of Health na sila ang magsusumite ng application para sa emergency use authorization (EUA) ng Sinopharm COVID-19 vaccines at hindi ang Chinese manufacturer nito, batay sa naging panayam kay DOH Secretary Francisco Duque III ngayong umaga, Mayo 10.


Aniya, “Mag-a-apply tayo. Iyan ang proseso. Iyan ang kailangang sundin na proseso, batay sa komunikasyon sa ating FDA Director General Eric Domingo.”


Sabi pa niya, "Ngayong umaga, ang DOH, mag-a-apply ng emergency use authorization sa FDA para sa Sinopharm dahil meron na tayong emergency use listing na inilabas ng WHO nu’ng Sabado.”


Sa ngayon, ang mga bakunang may EUA pa lamang ay ang Pfizer, AstraZeneca, Sputnik V, Sinovac, Johnson & Johnson, Bharat Biotech at Moderna.


Matatandaan namang nagpabakuna kamakailan si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Presidential Security Group (PSG) gamit ang Sinopharm ng China, kahit na hindi pa iyon nagagawaran ng EUA.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page