top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 28, 2024




Muling nagsama sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz para ipagdiwang ang kaarawan ni Mr. Johnny Manahan.


Hindi nakatakas sa mata ng mga netizens ang muling pagsasama ng dalawa sa iisang frame matapos na i-post ni Bea sa kanyang Instagram ang ilang mga larawan kasama ang aktor at ang iba pang mga kaibigan sa showbiz na sina Kathryn Bernardo, Maja Salvador, Jericho Rosales, at Piolo Pascual.


Kilala pa rin sina Bea at John Lloyd ng kanilang mga fans sa kanilang mga karakter sa pelikulang “One More Chance” bilang Popoy at Basha.


Humirit pa ang kanilang mga tagasuporta ng movie na silang dalawang muli ang magbibida dahil sey nga ng mga ito, they are each other's constant partner.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 31, 2020




May ilang bagay pang inaayos sa pagitan ng TV5 at ni Cong. Albee Benitez na magiging blocktimer ng ilang shows sa Kapatid Network. Balitang-balita na si John Lloyd Cruz ang gustong kunin upang magbida sa isang show.


Tiyak na ikatutuwa ng mga fans ni JLC na muling mapanood sa telebisyon ang aktor. Matagal na nilang hinihintay ang pagbabalik-TV ni Lloydie. Tatlong taon ding namahinga si JLC nang piliin niya si Ellen Adarna at pansamantalang talikuran ang kanyang career.


Actually, bago nagkaroon ng Covid pandemic ay inaayos at napag-uusapan na ang pagbabalik sana ng aktor sa ABS-CBN. Pero nagkaproblema nga sa renewal ng franchise at tuluyan nang naipasara ang Kapamilya Network.


At suwerte pa rin si JLC na nariyan si Cong. Benitez na magpo-produce ng mga shows sa TV5.


Samantala, kaibigan ni Gabby Concepcion si Cong. Albee Benitez pero hindi naman basta makakaalis sa GMA si Gabo dahil may kontrata siya sa gagawin niyang serye with Marian Rivera, ang First Yaya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page