ni Thea Janica Teh | November 5, 2020
Kampante si Joe Biden na siya ang mananalo bilang pangulo ng Amerika dahil nangunguna na umano siya sa boto kay Donald Trump sa mga natitira pang siyudad.
Aniya, “After a long night of counting, it's clear that we're winning enough states to reach 270 electoral votes needed to win the presidency. I'm not here to declare that we won.
But I am here to report, when the count is finished, we believe we will be the winners." Sa inilabas na resulta ng eleksiyon nitong Martes, makikita na lamang si Biden kay Trump at patuloy na lumalapit sa bilang na kailangan upang manalo sa White House.
Dahil dito, nag-request si Trump nitong Miyerkules na ihinto ang pagbibilang ng balota at muling bilangin upang masigurong tama ang bilang. Kalmado naman itong sinagot ni Biden at sinabi na ang lahat ng boto ay dapat bilangin.
Dagdag pa ni Biden, sang-ayon din sa kanya ang isa sa mga running mate na si Kamala Harris. Ayon kay Biden, ang susi sa kanyang posibleng pagkapanalo ay sa tatlong Great Lake states.
Sa katunayan ay nanalo na siya ng 20,000 boto sa Wisconsis. Bukod pa rito, nangunguna rin si Biden ng 35,000 boto sa Michigan na mas mataas pa sa nakuhang boto ni Trump noong 2016.
Kampante si Biden na makukuha niya rin ang boto ng mga taga-Pennsylvania dahil ayon sa kanya, majority ng balotang bibilangin ay naipadala na at lamang na umano siya ng 78%.