ni Lolet Abania | January 7, 2021
Pormal na sinertipikahan ng US Congress si Democrat Joe Biden bilang president-elect ilang oras makaraan ang isinagawang kilos-protesta ng daan-daang supporters ni dating Pangulong Donald Trump sa US Capitol na ikinamatay ng isang babae.
Matapos ang certification, naglabas ng statement ang White House mula kay Trump na nangako itong ipatutupad ang "orderly transition" sa Enero 20, 2021 kung saan nakatakdang manumpa bilang pangulo si Biden.
Ipinagpatuloy ng US Congress ang kanilang naantalang trabaho upang ideklara ang pagkapanalo sa Electoral College ni Biden matapos ang marahas na kilos-protesta sa Capitol Hill ngayong Huwebes.
Nang matapos ang debate patungkol sa uupong pangulo ng US na sinimulan noong Miyerkules, ni-reject ng Senate at House of Representatives ang dalawang objections sa lumabas na tally nito at sinertipikahan ang pinal na Electoral College vote ni Biden na nakakuha ng 306 votes laban kay Trump na may 232 votes.
Ayon kay Vice-President Mike Pence, “This shall be deemed a sufficient declaration of the persons elected president and vice-president of the United States." Kasabay na manunungkulan ni Biden si Vice-President-elect Kamala Harris sa Enero 20, 2021.