ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 19, 2024
Photo: Luis Manzano, Jessy Mendiola at Gerald Anderson
Mala-diyosa ang dating ni Jessy Mendiola nang makita namin sa bonggang birthday celebration ng beauty guru na si Cathy Valencia na ginanap sa Manila Polo Club sa Makati City last Saturday.
Pagkaganda-ganda ni Jessy and very young-looking, parang ‘di nagsilang ng bata.
Kabilang si Jessy sa mga top and loyal celebrity endorsers ng Cathy Valencia Advanced Skin Clinic. And she’s one of the earliest guests na dumating sa birthday party ni Cathy.
Kaya kinuha na namin ang opportunity na mainterbyu siya.
Ayon kay Jessy, “Sobrang happy ako kasi talagang ang tagal ko na sa Cathy Valencia
Advanced Skin Clinic. And si Ms. Cathy throughout the years, nakilala ko na s’ya and she’s so humble.
“Of course, she’s gorgeous, alam naman nating lahat ‘yun. Ano s’ya, ‘pag kasama ko s’ya, sobrang positive n’ya na tao.
“Inaalagaan ko ang sarili ko kasi tinuturuan din n’ya ako, para ko na siyang ate. Love na love ko si Ms. Cathy. Four years na ako sa kanya.”
Happy kami for Jessy dahil magbabalik na siya sa showbiz. Inalam namin kung ano ang nag-trigger sa desisyon niya na muling umarte pagkatapos ikasal kay Luis Manzano at ngayon ay mommy ng super cute na si Baby Rosie o mas kilalang Peanut.
“Parang na-miss ko rin. Kasi, parang last year, ang ginawa ko lang, panay events, parang ganito. Pero ‘yung talagang project, movies, teleserye, wala. Hindi talaga ako gumawa,” paliwanag ni Jessy.
Hindi pa raw siya nagsimulang mag-taping para sa seryeng gagawin niya with Gerald Anderson.
“Preparations pa lang, look test. Tapos, meron lang ‘yung pitching of course, nauna ‘yun. Tapos, nag-uusap pa rin kami. Marami pang changes sa story, eh, saka sa roles.
Nagdaragdag sila ng casting. Kumbaga, inaayos pa,” kuwento ni Jessy.
May ibinabawas at idinaragdag pa raw para sa ibang cast members, tapos, may mga bagong cast members din. Basta ang sure pa lang daw sa cast ay sila ni Gerald. Mag-asawa ang role nila sa serye.
Sabi namin kay Jessy, mabuti at pumayag si Luis.
“Oo naman,” nakangiting sagot ni Jessy.
Kuwento niya, “Sabi ko, ‘Love, okay lang ba na may mga romantic scenes?' Mga ganoon. ‘Howhow (tawag niya kay Luis), siyempre, hindi naman natural ‘yun kung hindi kayo sweet sa isa’t isa, ‘di ba?’
“Sabi niya, ‘Ano ka ba, Love? Wala sa ‘kin ‘yun. Sanay na sanay nga ako kay Momski.’
“Kasi ‘di ba, si Momski rin nu’ng dating panahon, nu’ng bagets pa si Luis? Alam na n’ya ‘yun.
Sabi niya, 'Naiintindihan ko ‘yan. It’s part of our job. ‘Yun!'”
Inamin naman ni Jessy na hindi pa siya ready na mahiwalay sa tabi ni Baby Rosie.
Medyo clingy pa rin daw sa kanya ang anak.
Sey niya, “Yes, pero ano naman, ‘yun nga, eh, ‘yung sobrang thankful ako sa ABS, sa Star Magic family ko, kasi sobrang ano sila, understanding nila.
“Patient sila pagdating sa ‘kin, sa schedule ko. Tapos, sinasabi ko, ‘Naku, hindi ko talaga kaya ‘yun.’ Kasi 'di ba, usually ang ginagawa nila, magkasabay ang movie and teleserye?”
Muntik na raw mangyari na sabay gagawa ng movie at teleserye si Jessy. Pero dahil magiging araw-araw ang trabaho niya, 'di raw niya tinanggap dahil kailangang may oras pa rin siya kay Peanut.
Next year na raw ang start ng taping ni Jessy, same time na kasagsagan naman ng kampanya ni Luis bilang vice-governor ng Batangas.
Esplika niya, “Yes, (but) actually ngayon, nag-iikot na rin kami. Pero kasi ‘di ba, next year talaga ang start ng national campaign?
“As of now, sinasamahan ko pa rin si Luis. Pero next year, oo, magkahiwalay na kami. Pero sabi ko kay Luis, basta’t kaya ng powers ko, basta’t kaya kong gawin, sasamahan pa rin kita.”
Habang si Baby Rosie ay busy naman sa kanyang play school.
Sabi ni Jessy, “May day pa rin (ako) in between. Kasi nagpe-play school na rin s’ya, eh. So, sinasamahan ko rin s’ya sa play school. Super mama ang peg natin. Hahaha!
“Oo, as in talagang laban. Tapos talagang sobrang love n’ya ‘yung school n’ya. May mga friends na rin s’ya ru'n.”
Pero natatakot pa rin daw si Jessy na baka may ma-miss siya na milestone sa buhay ni Baby Rosie.
“Pero I was there nu’ng first year niya. Eh, du’n 'yung mas marami talaga, ‘di ba?
“Ngayon kasi, ‘yung development niya is more on sa social skills. ‘Yung progress n’ya when it comes to activity, ‘di ba?
“The way she speaks, very clear and meron na talaga s’yang consciousness kapag kunwari lalayo ako nang konti, ‘Mama, stay here,’ ‘yung ganu’n,” kuwento pa ni Jessy Mendiola.