ni Jersy L. Sanchez @Life & Style | March 5, 2023
Mahilig ka bang makinig ng music?
Bukod sa isa itong paraan para magrelaks, marami rin tayong beshie r’yan na nag-e-express ng kanilang thoughts at emotion sa pamamagitan nito.
Pero beshies, knows n’yo ba na marami pang benepisyo ang pakikinig music, partikular sa ating health? Oh, ha!
Kaya mahilig ka man sa music o hindi, narito ang health benefits ng pakikinig nito:
1. LESS PAIN. Bagama’t hindi tuluyang nawawala ang pain o sakit dahil sa music, mayroon itong positive distraction. Sey ng experts, ang pakikinig sa music ay nakaka-trigger ng pag-release ng dopamine, isang brain chemical na may kaugnayan sa feelings of pleasure, na may malaking ‘role’ sa pain regulation.
2. IMMUNE SYSTEM BOOSTER. Lumabas sa ilang pag-aaral na ang pakikinig ng music ay nakakatulong sa immune system sa pamamagitan ng pagpapataas ng activity ng mga natural killer cells. Ang mga cells na ito ay nakakatulong upang pigilan ang pagkalat ng mga impeksyon at tumors.
3. EASES ANXIETY. Sa isang pag-aaral noong 2021, ang music ay nakakatulong na mabawasan ang mga sintomas ng anxiety. Inihalimbawa ng mga eksperto ang anxiety ng hospitalized children kung saan sa pamamagitan ng pakikinig ng music, bumaba umano ang anxiety ng mga ito bago ang medical procedure.
4.LOWERS BLOOD PRESSURE. Dahil may calming effect sa nervous system ang music, maaari rin itong makatulong sa pagpapababa ng blood pressure. Sa pag-aaral na isinagawa noong 2020 sa 30 young adults na may risk ng high blood pressure. Kalahati ng mga kalahok ay nakinig sa piano at flute music nang 30 minuto kada araw sa loob ng limang araw, sa apat na linggo. Sa pagtatapos ng pag-aaral, ang mga ito ay nakaranas ng reductions in systolic blood pressure.
5. IMPROVES MOOD. Sa pamamagitan ng pag-promote ng feelings of nostalgia at relaxation habang nababawasan ang feelings of distress at depression, maaari ring mapaganda ng music ang iyong mood. Ayon sa mga eksperto, may iba’t ibang uri ng music-related activities na nakakapagbigay ng ganitong benepisyo tulad ng intentional music listening, pagtugtog ng instrumento, group singing at shared music listening tulad ng pag-attend ng concert.
6. PROMOTES BETTER SLEEP. Ayon sa mga eksperto, ang pakikinig ng music ay nakakatulong sa pag-regulate ng stress hormone na cortisol. Gayundin, nagsisilbi itong distraction upang maiwasan ang ‘troubling thoughts’. Sa isang pag-aaral kung saan inalam ang mga uri ng music na nakakatulong para magkaroon ng magandang tulog ang mga estudyante, napag-alaman na epektib ang mga music features na may mababang nota at mas malakas na bass, mabagal na tempo na may non-danceable rhythms, at mas sustained na musical notes.
7. BOOSTS CONCENTRATION, FOCUS AND MEMORY. Lumabas sa isang pag-aaral na ang pakikinig ng music ay nakakatulong sa concentration at pag-retain ng mga impormasyon. Gayunman, ang uri ng music na iyong pinakikinggan ay may ibang epekto dahil nilinaw ng mga eskperto na may ilang uri ng music na nagdudulot ng distraction at nakakaapekto sa concentration.
Wow! Hindi lang pala talaga basta nakakaganda ng mood ang pakikinig ng music dahil napakarami pa nitong benepisyo sa ating health.
Kaya ano pang hinihintay mo? Gora na at makinig ng music para maranasan ang mga benepisyong nabanggit. Okie?