ni Lolet Abania | March 28, 2022
Nagkaloob ang Japan International Cooperation Agency (JICA) ng P46 milyon halaga ng laboratory equipment sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa layong matulungan ang Pilipinas na makarekober mula sa pandemya ng COVID-19.
Kabilang sa equipment na natanggap ng bansa ay isang pharmaceutical refrigerator, isang automated immunoassay analyzer, at isang deep freezer, kung saan makatutulong ang mga itong mai-boost ang kapasidad ng RITM upang agad ma-detect at magamot ang mga COVID-19 cases.
Nitong Huwebes, Marso 24, nai-turned over ang mga laboratory equipment sa Department of Health (DOH) nina Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko at JICA Philippines Chief Representative Sakamoto Takema.
“The assistance complements our other support to Philippine COVID-19 recovery efforts including the grant finance and technical cooperation for cold chain storage and logistics as well as rapid antigen test kits to be distributed to the [DOH] in the coming weeks,” pahayag ni Sakamoto sa isang emailed statement.
“JICA hopes to make a certain contribution to a resilient healthcare system in the Philippines,” dagdag pa ni Sakamoto.
Una nang nagkaloob ang JICA ng isang JPY50-billion COVID-19 Crisis Response Emergency Support Loan, at isa pang JPY50-billion JICA Post-Disaster Standby Loan Phase 2 sa Pilipinas, na nagkakahalaga ng kabuuang P44 bilyon.
Gayundin, nagbigay ang ahensiya ng laboratory equipment para sa testing, diagnoses, at treatment sa San Lazaro Hospital.
Sa kasalukuyan, mayroon silang tinatayang 60 development cooperation projects sa bansa, na may ilang JPY260-billion na halaga ng mga programa.