top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | July 13, 2023




Nakaranas ng pinakamatinding pagbaha ang southwest Japan.


Ang malakas na buhos ng ulan ay nagdulot ng pag-apaw ng mga ilog at pagguho ng mga bundok sa Kyushu Island.


Ayon sa national weather agency ng Japan, mayroon umanong 404.5 millimeter ng ulan ang kanilang naranasaan simula pa noong Lunes sa Kurume City, ito na umano ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng lungsod.


Pinalikas na rin ang mga residente kung saan nasira ang ilang mga kalsada at nawalan ng suplay ng kuryente sa lugar.


Nakapagtala na rin ng tatlong nasawi, at inaasahan ang patuloy na pagbagsak ng ulan sa mga susunod pang araw.


 
 

ni BRT | May 1, 2023




Sa kauna-unahang pagkakataon, inaprubahan ng Japan ang paggamit ng abortion pill.

Kung maaalala ang abortion ay legal sa Japan hanggat ito ay 22 weeks pa lamang, kinakailangan din ito ng consent mula sa kinakasama at ang surgical procedure lamang ang nag-iisang paraan.


Ipinagbigay-alam ng health ministry sa mga healthcare officials na aprubado na ang gamot mula sa British pharmaceutical company Linepharma.


Ang gamot ay available rin sa France at United States.


Ang abortion pill kasama na ang medical consultation ay aabotin ng halos 100,000 yen at hindi rin napapailalim sa public health insurance.


 
 

ni Mylene Alfonso | February 11, 2023




Inanunsyo ni Prime Minister Fumio Kishida na magkakaroon na ng visa exemptions ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas pagpasok sa Japan.


Ayon sa joint statement ng Japan at ng Pilipinas na inilabas ng Embassy of Japan, ginawa ni Kishida ang anunsyo sa isang Summit-level Working Dinner kasama si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong Huwebes ng gabi.


"Prime Minister Kishida announced visa exemption mainly for Philippine government officials," ayon sa binasang joint statement.


Malugod naman na tinanggap ni Pangulong Marcos ang anunsyo ng Japan at ipinahayag ang kanyang pag-asa na mabuo ang momentum na ito upang higit pang mapadali ang pagpapalitan ng mga tao sa pagitan ng dalawang bansa.


Hindi pa binanggit kung kailan epektibo ang nasabing visa exemptions.

Nabatid na si Marcos ay nasa Tokyo para sa kanyang official working visit.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page