top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @World News | August 27, 2023




Ipinagbawal na ng China ang pagpasok sa kanilang bansa ng mga seafoods o anumang lamang dagat na galing sa Japan.


Ang nasabing hakbang ay bilang ganti sa Japan matapos na pakawalan ang mga treated waste water ng Fukushima nuclear power plant patungo sa Pacific Ocean.


Kahit na iginiit ng Japan na ligtas ang tubig na sinang-ayunan ng maraming mga scientist, patuloy pa ring hindi pinakinggan ng China.


Magugunitang nagkaroon na ng lamat ang relasyon ng Japan at China dahil sa pagsuporta ng Japan sa U.S at Taiwan.



 
 

ni Joy Repol @World News | August 21, 2023




Nagkasundo sina U.S. President Joe Biden at ang mga lider ng South Korea at Japan sa Camp David na palalimin ang kooperasyong militar at pang-ekonomiya gayundin ang pagkondena sa umano’y agresibong pag-uugali ng China sa West Philippine Sea.


Idinaos ng administrasyong Biden ang summit kasama ang mga pinuno ng mga pangunahing kaalyado ng U.S. sa Asya – si South Korean President Yoon Suk Yeol at Japanese Prime Minister Fumio Kishida – sa hangarin na maipakita ang pagkakaisa sa

harap ng lumalaking kapangyarihan ng China at mga nuclear threats mula sa North Korea.


Sumang-ayon din silang magsagawa ng military training exercises taun-taon at magbahagi ng real-time information sa paglulunsad ng missile ng North Korea sa katapusan ng 2023.


Nangako rin ang mga bansa na magdaraos ng mga trilateral summit taun-taon.



 
 

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | July 19, 2023




Sugatan ang apat katao matapos atakehin ng mga dolphin sa central Japan.

Isang 60-anyos ang nagtamo ng pilay sa kanyang ribs at sugat sa kamay matapos na kagatin ito sa Suishohama beach sa Mihama, Fukui prefecture.


Habang ang isa pang biktima na nasa 40-anyos ay nagtamo rin ng mga kagat sa katawan.


Tinatayang anim katao na ang nasugatan ngayong taon matapos na atakehin din ng dolphin.


Nilagyan na ng mga awtoridad ng warning signs ang nasabing beach upang maiwasan na ang kaparehong insidente.


Naniniwala umano ang mga eksperto na maaaring nagambala ang mga dolphin at ito ay na-stress kaya nangyari ang nasabing pangangagat.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page