top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 17, 2023




Nagpahayag si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Linggo ng paniniwalang magkakaroon ng mas malinaw na kinabukasan dahil sa 50 taong maayos na relasyon sa bansang Japan at  Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).


Nagpasalamat si Marcos sa pamahalaan ng Japan, sa kanyang partisipasyon sa ikalawang sesyon ng ASEAN-Japan Commemorative Summit, sa kanilang dedikasyon at suporta para sa mga inisyatibong nagtataguyod ng maayos na relasyon at pagkakaibigan sa mga mamamayan ng ASEAN at Japan.


Saad n’ya, “We look forward to ASEAN’s and Japan’s continued partnership beyond the 50th year of ASEAN-Japan Friendship and Cooperation. We have done much in the previous 50 years. I believe the future can even be brighter.”


Umaasa din ang Presidente na  magpapatuloy ang Japan-East Asia Network of Exchange for Students and Youths (JENESYS), sa programang naging pangunahing bahagi sa pagtataguyod ng panghabambuhay na kaugnayan ng pagkakaibigan at pagkakaisa sa pagitan ng mga kabataan sa ASEAN at Japan.



 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 5, 2023




Nakatakdang opisyal na pag-usapan ang Reciprocal Access Agreement (RAA) ng Pilipinas at Japan sa pamumuno ng National Security Adviser upang maisaayos ang military sector at ang seguridad ng parehong bansa.


Pahayag ni NSA Secretary Eduardo Año ngayong Linggo, Nobyembre 5, mahalagang hakbang ang pag-uusap na ito sa ikabubuti ng relasyon ng mga bansa.


Sinasabing ang RAA ay makakatulong sa pagpapadali ng mga patakaran lalo na sa usapin ng pagsasanay at ibang programa para sa hukbo ng dalawang bansa.


Dagdag ni Año, "We look forward to the negotiations and implementation of these agreements and initiatives, which will undoubtedly strengthen our partnership and contribute to a more secure and stable Indo-Pacific."


Ito ay matapos ibahagi ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang pagsasanib-puwersa ng Japan, 'Pinas at US upang masiguro ang kalayaan sa karagatan at karapatan sa WPS.

 
 

Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 4, 2023




Nagkaisa ang House of Representatives at Senado ng 'Pinas para salubungin ang punong ministro ng Japan na si Kishida Fumio ngayong Sabado, Nobyembre 4.


Inaasahang magbibigay ng talumpati si Kishida sa Kongreso sa isang joint session ngayong araw.


Pamumunuan naman nina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang sesyon.


Nagsagawa rin ng isang bilateral meeting si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang punong ministro kung saan sinabi ng dalawang lider na nagsimula na ang mga usapin ukol sa Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng mga pwersang militar.


Sa parehong pulong, pumirma rin ang dalawang bansa ng isang Official Security Assistance grant aid na nagkakahalaga ng 600-milyon yen o P235.5-milyon kung saan nakasaad na magbibigay ang Japan ng isang radar na pambaybayin sa Pilipinas upang mas mapabuti ang kalagayan ng Philippine Navy sa pagtukoy ng mga banta sa teritoryo.


Ito ang ikalimang pagkakataon na nagsagawa ang Kongreso ng bansa ng isang espesyal na sesyon para sa bumibisitang lider ng ibang bansa.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page