top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 3, 2024




Umabot na sa 62 ang bilang ng namatay sa malakas na lindol na tumama sa Japan noong Bagong Taon.


May 7.6 preliminary magnitude ang lindol na tumama sa Noto peninsula noong Lunes ng hapon, na nagresulta sa pagkatumba ng mga bahay at kawalan ng koneksyon ng mga liblib na lugar mula sa kinakailangang tulong.


Mahigit sa 140 na pagyanig ang naitala mula nang unang tumama ang lindol, ayon sa Japan Meteorological Agency.


Nagbabala naman ang ahensya na maaaring magkaroon pa ng mas malalakas na pagyanig sa mga susunod na araw.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 18, 2023




Sumama ang Pilipinas sa Japan sa pagkokondena ng iniulat na ballistic missile launch ng North Korea ngayong Lunes.


Naglabas ng pahayag si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ngayong Lunes, matapos ang iniulat na pagputok ng intercontinental ballistic missile ng North Korea patungo sa dagat ng Japan.


“We join Japan, together with the rest of the ASEAN (Association of the Southeast Asian Nations), in condemning the continued threat that the launching [of] ballistic missiles by the DPRK [Democratic People’s Republic of Korea] represents,” sabi ni Marcos.


"The Philippines joins its voice to all our partners in peace in condemning this looming existential threat," dagdag niya.


Nagbigay ng pahayag ang pangulo sa kanyang talumpati sa Asia Zero Emission Community (AZEC) leaders meeting sa Prime Minister’s Office sa Tokyo, Japan, bilang bahagi ng 50th Commemorative ASEAN-Japan Friendship and Cooperation Summit.


“As we speak on economic progress in our region, we found these aspirations on a peaceful and stable Indo-Pacific Region. So, such dangerous and provocative actions by the DPRK threaten and destabilize the region and the world,” aniya.


Naiulat na nagpaputok ang North Korea ng long-range ballistic missile, na umano'y nahulog sa karagatan sa kanluran ng Hokkaido, ayon sa coast guard ng Japan.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 17, 2023




Pinag-usapan ng Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang pagpapatibay sa kaligtasan sa karagatan at kooperasyon sa enerhiya nitong Linggo sa Japan-Philippines Summit Meeting para sa 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit.


Pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), siniguro ng Prime Minister na ang Japan ay magpapatuloy sa pagbibigay ng coastal radar system sa pamamagitan ng Official Security Assistance (OSA).


Dagdag pa ng PCO, nais din daw ng nasabing bansa na paigtingin ang kooperasyon sa pagpapatibay ng kaligtasan sa karagatan batay sa Memorandum of Cooperation sa pagitan ng mga coast guard ng dalawang bansa na nilagdaan sa mismong okasyon.


Nagkasundo din ang mga lider ng 'Pinas at Japan na ipagpatuloy ang pagsusuri para sa maagang kasunduan sa mga negosasyon ng Reciprocal Access Agreement (RAA) at pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng mga coast guard ng kanilang mga pinamumunuang bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page