ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 6, 2021
Extended ang state of emergency sa apat na lugar sa Japan — ang Tokyo, Chiba, Kanagawa at Saitama prefectures hanggang sa March 21 dahil sa COVID-19 pandemic, ayon kay Economy Minister Yasutoshi Nishimura.
Sa ilalim ng state of emergency, ipinag-uutos ng pamahalaan na isara ang mga restaurant at bars pagsapit ng alas-8 nang gabi. Kailangan ding manatili sa kani-kanyang tahanan ang mga residente pagkalipas ng alas-8 PM.
Nakatakdang alisin sa state of emergency ang mga naturang lugar sa March 7 ngunit in-extend ito dahil hindi pa rin bumababa sa target na bilang ang kaso ng COVID-19.
Samantala, sa kabuuan ay nakapagtala ang Japan ng 433,000 kaso ng COVID-19 at 8,050 ang bilang ng mga pumanaw.