ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 3, 2021
Labingsiyam na katao ang nawawala sa Japan dahil sa landslide na dulot ng malakas na pag-ulan ngayong Sabado, ayon sa lokal na opisyal.
Saad ng disaster management officials ng Shizuoka Prefecture, tinatayang nagsimula ang landslide bandang alas-10:30 nang umaga sa Atami.
Ayon kay Prefectural Disaster Management Official Takamichi Sugiyama, pinalilikas na rin ang mga residente sa mga apektadong lugar.
Samantala, humiling na rin ang lokal na pamahalaan ng military assistance para sa pagsasagawa ng rescue mission at nawalan din ng suplay ng kuryente ang aabot sa 200 tahanan.