top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 10, 2021



Inilikas ang mahigit 120,000 residente ng southwestern Japan matapos maglabas ng heavy rain warning ang Meteorological Agency ngayong Sabado.


Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Hitoyoshi sa Kumamoto Prefecture, Ebino sa Miyazaki Prefecture at Satsumasendai sa Kagoshima Prefecture.


Pansamantalang ipinagbawal din ng awtoridad ang paglapit sa mga ilog at bundok dahil sa posibilidad ng mudslides at landslides.


Samantala, noong nakaraang linggo, niragasa ng landslides ang Atami kung saan 9 katao ang namatay.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 21, 2021




Niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang northeastern Japan noong Sabado at itinaas ang tsunami warning.


Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), alas-6:09 PM nang tumama ang lindol sa Pacific waters sa Miyagi region na may lalim na 60 kilometers (37 miles).


Wala namang naiulat na pinsala sa Miyagi Prefecture at sinusuri na rin ng awtoridad ang estado ng mga nuclear plants sa rehiyon.


Ayon naman sa tala ng US Geological Service, 7.0 magnitude ang naturang lindol. Samantala, nilinaw ng Phivolcs na wala namang banta ng tsunami sa Pilipinas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page