top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 23, 2021





Itinalaga ni Prime Minister Yoshihide Suga bilang “Minister of Loneliness” si Tetsushi Sakamoto matapos lumobo ang kaso ng suicide sa Japan.


Si Sakamoto ay isa ring minister-in-charge sa mababang birthrate ng Japan.


Pahayag ni PM Suga kay Sakamoto, “Women are suffering from isolation more (than men are), and the number of suicides is on a rising trend.


“I hope you will identify problems and promote policy measures comprehensively.”


Naalarma ang pamahalaan dahil noong October, 2020, umabot sa 2,153 ang kaso ng suicide sa Japan habang 1,765 naman ang pumanaw dahil sa COVID-19, ayon sa Japanese National Police Agency.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 14, 2021





Sugatan ang mahigit 100 katao matapos tumama ang magnitude 7.3 na lindol sa northeastern Japan noong Sabado, alas-11:08 PM.


Nayanig din ang mga gusali sa Tokyo at tinatayang higit sa 900,000 kabahayan ang nawalan ng suplay ng kuryente. Kaagad namang naibalik ang power supply kinabukasan.


Sa inisyal na ulat ng Japan Meteorological Agency, naitala ang epicenter ng lindol sa 220 kilometers (135 miles) north ng Tokyo at mula sa magnitude 7.1 ay itinaas ito sa magnitude 7.3.


Samantala, wala namang naiulat na nasawi sa insidente.

 
 

ni Thea Janica Teh | January 3, 2021



Nagdiwang ng ika-118 kaarawan nitong Sabado ang pinakamatandang tao sa buong mundo na si Kane Tanaka na matatagpuan sa southwestern Japan.


Ipinanganak noong January 2, 1903 si Tanaka at kinilala ng Guinness World Records bilang world’s oldest living person noong March 2019 sa edad na 116.


Bukod pa rito, nakamit din nito ang all-time Japanese age record noong Setyembre 2020 sa edad na 117 & 261 days.


Sa ngayon, naninirahan sa isang nursing home sa Fukouka si Tanaka. Masaya nitong ipinagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang iba pang residente ng nursing home.


Ayon sa tagapangalaga nito, madalas itong mag-ehersisyo, mag-calculate at maglaro ng Reversi. Malakas din umano itong kumain at ang paborito nito ay chocolate at Coke.


Nang tanungin si Tanaka kung anong sikreto upang humaba ang buhay, sinabi nito na “eating delicious food and studying.” Dagdag pa nito, target nitong maabot ang edad na 120.


"It's a difficult situation due to the coronavirus pandemic, but Kane is fine. I'm happy that she has fun every day," bahagi ng kanyang 61-anyos na apo na si Eiji.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page