top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 8, 2021



Pinalawig pa ang pagsasailalim sa state of emergency sa ilang lugar sa Japan hanggang sa katapusan ng Mayo dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.


Ayon kay Economy Minister Yasutoshi Nishimura, umaasa ang pamahalaan na malalabanan ng bansa ang 4th wave ng COVID-19 infection ngunit patuloy pa rin sa pagtaas ang kaso sa Tokyo at Osaka kaya napagdesisyunan ng awtoridad na mula sa May 11 ay ie-extend hanggang sa May 31 ang state of emergency.


Pahayag ni Nishimura, “Osaka particularly is in quite a dangerous situation with its medical system.


“We have a strong sense of danger that Tokyo could soon be turning into the same situation as Osaka.”


Ayon sa ulat, puno na rin umano ang mga hospital beds para sa mga critical patients sa Osaka.

Napagdesisyunan din ni Prime Minister Yoshihide Suga na isailalim sa state of emergency ang Aichi at Fukuoka prefecture kasama ng Tokyo at Osaka, Hyogo at Kyoto prefectures.


Samantala, sa pagpapalawig ng state of emergency, ipinagbabawal ang pagtitinda ng mga alak o alcohol sa mga bars, restaurants, atbp. establisimyento at hanggang alas-8 lamang nang gabi maaaring magbukas ang mga ito. Ang mga lalabag sa naturang protocols ay pagmumultahin ng halagang 300,000 yen o $2,750.


Nananawagan din ang pamahalaan sa mga mamamayan na iwasan ang mga unnecessary na pagbiyahe.


Ang mga malls naman at movie theaters ay paiikliin lamang ang oras ng operasyon at hindi ipatitigil, ayon kay Nishimura.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 17, 2021



Mas pinatatag pa ng Japan at US ang kanilang alyansa laban sa mga banta ng pananakop at upang masiguro ang seguridad at kaligtasan ng dalawang bansa.


Binisita ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga si US President Joe Biden noong Biyernes at kabilang sa kanilang mga napag-usapan ay ang laban kontra-COVID-19.


Nagkasundo rin ang dalawang bansa sa seguridad at pagkakaisa upang ayusin ang isyu sa East China Sea, South China Sea at ang nuclear program ng North Korea.


Pahayag pa ni Biden, "We're going to work together to prove that democracies can still compete and win in the 21st century.


"We committed to working together to take on the challenges from China and on issues like the East China Sea, the South China Sea as well as North Korea.”


Saad naman ni Suga, "We agreed to oppose any attempts to change the status quo by force or coercion in the East and South China seas and intimidation of others in the region.


"Freedom, democracy, human rights and the rule of law are the universal values that link our alliance.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 17, 2021



Determinado ang Japan na ituloy ang Olympic Games ngayong taon sa kabila ng banta ng COVID-19 at sisiguraduhin din umano ng naturang bansa ang seguridad at kaligtasan ng mga manlalaro.


Pahayag ni Prime Minister Yoshihide Suga, “Japan is listening to and learning from WHO (World Health Organization) and experts.”


Aniya pa, “They are doing everything possible to contain infection and to realize safe and secure games from scientific and objective perspectives.


“I expressed my determination to realize the Tokyo Olympic and Paralympic Games as a symbol of global unity this summer, and US President (Joe) Biden once again expressed his support.”


Samantala, matapos ma-postpone noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic, ngayong Hulyo nakatakdang ituloy ang Olympic Games sa Japan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page