ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 15, 2025
Photo: Vic Sotto at Darryl Yap - IG, FB
Fresh at walang bakas na worried, may pinagdaraanan o may dinadalang problema ang nag-iisang Bossing Vic Sotto ng showbiz nang humarap sa entertainment press kahapon sa launching niya bilang newest endorser ng Sante Barley.
Chill na chill lang si Bossing at nagagawa pa ngang makipagbiruan sa press nang kumustahin siya matapos mag-file last January 9 ng P30-M worth of cyberlibel case laban sa controversial director na si Darryl Yap dahil sa viral trailer ng movie nitong The Rapists of Pepsi Paloma kung saan tuwirang sinabi ng bidang si Rhed Bustamante (as Pepsi) na ni-rape siya ni Vic Sotto.
“I’m good, I’m good. I’m relaxed. Just going with the flow. Basta ako naman, I trust God,” panimula ni Bossing Vic nang makapanayam ng press after the mediacon.
When asked by MJ Felipe kung bakit tila hindi siya apektado o bothered sa maselang akusasyong ibinato sa kanya, sagot ng TV host-influencer-endorser, “‘Coz I have a clean conscience. Malinis ang pakiramdam ko. Wala namang dapat ika-worry,” sabi nito sabay kibit-balikat.
“Mai-stress ka lang ‘pag inisip mo, eh, so relaxed lang,” dagdag pa nito.
Ramdam na ramdam daw niya ang matinding suporta sa kanya ng marami, lalo na ng mga kaibigan sa press at ng kanyang pamilya, kaya todo-pasalamat siya sa mga ito na nagbibigay daw ng lakas ng loob sa kanya.
Nang tanungin namin kung ano’ng pakiramdam niya na may pinagdaraanan siya ngayon, patawa nitong sagot, “Eh, di daanan mo nang daanan. Isa lang naman ang pupuntahan natin, basta diretso ang daan. ‘Yan ang importante, bawal ang paliku-liko, basta diretso lang ang daan.”
Pero umiwas nang sumagot si Bossing Vic nang tanungin namin kung posible ba ang “out of court” settlement sa pagitan nila ni Direk Darryl.
“I cannot talk about that, sorry,” mabilis na sagot ng Eat… Bulaga! host.
Samantala, marami ang bumilib kay Bossing Vic dahil sa edad nito ngayon na 70, inamin niyang wala pa siyang maintenance.
Maalaga kasi siya sa katawan at sabi nga niya, kumakain lang siya ‘pag kailangan na niyang kumain at wala rin siyang bisyo.
At ngayon, malaking tulong din daw ang Sante Barley na iniinom niya every morning on an empty stomach para malinis ang kanyang digestive system at lumakas ang kanyang immune system.
Tinanong nga namin si Bossing Vic kung may plano pa ba sila ni Pauleen Luna na sundan ang kanilang second baby na si Mochi na magwa-one year old na ngayong January 23, baka puwedeng lalaki naman.
Pabirong sabi ng TV host, “Kung kaya pa ni Pauleen,” kaya nagkatawanan.
Ipinapaubaya na lang daw nila kay Lord kung ibe-bless pa sila ni Pauleen ng another baby, pero kung sakali, mas gusto raw niyang girl na lang dahil mas sweet at marami na raw siyang apong lalaki sa kanyang mga anak na sina Danica at Oyo na makukulit ‘pag nagkasama-sama raw sa pagdalaw sa kanyang bahay.
So, why not?
Anyway, ayon sa Santé’s CEO na si Mr. Joey Marcel, kaya si Bossing Vic ang kinuha nilang endorser ng Sante Barley ay dahil “institution” na ito, na bagay sa itinagal ng kanilang produkto sa market na 18 yrs. na rin pala ngayon.
NEWS RELEASE
Vic Sotto, bahagi na ng Santé Barley bilang pinaka-bagong ambassador
Makikipag-sanib puwersa si “Bossing” sa Santé para ma-inspire ang mga Pinoy na yakapin ang mas malusog na pamumuhay
Santé, ang nangungunang global provider ng organic health at wellness products, ay nakipag-sanib pwersa kay Vic Sotto, na kilala din bilang si “Bossing.” Kumpiramadong si Bossing ang pinaka-bagong brand ambassador para Santé Barley. Permanenteng fixture si Vic sa Philippine showbiz mula nuong 1970s. Kilala si Bossing sa kanyang commitment sa mlausog na pamumuhay, sa kanyang kuneksyon sa kanyang mga fans, at siyempre anag kanyang dynamic onscreen presence, kaya naman siya ang perfect na kumatawan sa brand na nag-promote magandang kalidad ng pamumuhay.
Bilang orihinal na host ng long-running noontime show na Eat Bulaga! kasama sina Tito Sotto at Joey de Leon, ilang dekada nang household name si Vic. Ilan lamang sa kanyang body of work ang Si Agimat at si Enteng Kabisote (2010), Enteng ng Ina Mo (2011), at Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako (2012).
Kamakailan lamang, ginawa ni Vic ang kanyang unang dramatic role sa 2024 film na The Kingdom, na isang proyekto na tumitingin kung ano ang magiging kasaysayan ng Pilipinas kung hindi ito sinakop ng ibang bansa, at minarkahan nito ang unang pagkakataon na hindi siya nag-comedy.
Binuo naman ng Santé ang reputasyon nito bilang isang pinagkakatiwalaan na pangalan sa health and wellness. Naghahain ito ng high-quality, organic barley-based products na certified organic ng BioGro New Zealand. Sa misyon nito na tulungan ang mga tao sa buong mundo na mamuhay ng mas mayiwasay at mas malusog, nagbibigay ang Santé ng natural health solutions na pinagsasama ang science at nature. Ang flagship product nito na Santé Barleyay mula sa fields ng Canterbury region ng New Zealand, na siyang nagbibigay ng siguradong superior quality at nutrient density sa produkto. Ang iba pang brand offerings ay ang Santé Pure Barley Powder, Santé Barley Pure Capsules, Santé Fusion Coffee, at iba pang mga inumin at wellness products para sa iba’t-ibang mga lifestyle.
Kinakatawan ni Vic ang qualities na mahalaga sa Santé Barley: authenticity, vitality, at proactive approach to health. Excited si Bossing sa partnership: “Honored ako to join Santé Barley sa kanilang misyon na i-empower ang mga Pinoy na mumuhay ng mas maayos. Good health is a gift, and we all have the power to nurture it with the right choices. May tiwala ako sa Santé Barley at excited ako na ibahagi ito sa mga tao.”
Kialala ang Santé Barley is renowned sa mayaman nitong nutrient profile, na puno ng essential vitamins, minerals, amino acids, at antioxidants. Ang Regular na consumption ng barley grass ay napatunayang importante sa pag-improve ng digestion, pag-enhance ng immunity, at sa pag-boost ng overall vitality. Sa pakikipag-partner nito kay Vic, layunin ng Santé na ma-inspire ang mga Pinoy na unahina ng kanilang well-being at i-explore ang mga benipisyo sa pag-incorporate ng barley grass sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Mula sa kilalang pamilya ng mga Sotto, na kinabibilanan din ng kanyang mga sikat na kapatid gaya nina Tito and Val Sotto, malawak ang legacy ni Vic. Aama siya sa kanyang anim na mga anak kasam dito ang aktor na si Oyo Boy Sotto at ang public servant na si Vico Sotto, na alkalde ngayon ng Pasig City. Sa TV man kung saan host siya ng Eat Bulaga! o sa piling nga kanyang pamilya, kinakatawan ni Vic ang enehiya na pinopromote ng Santé Barley.
Matutungyahan sa partnership na ito si Vic sa mga serye ng campaigns, kasama ang digital commercials and content, at live events para maturuan ang mga Pilipino tungkol sa kahalagahan ng organic health products.
“Vic’s ability to connect with people and his genuine approach to wellness make him the perfect partner for Santé,” added Santé’s CEO Joey Marcel. “Excited kami to see how this collaboration will inspire Filipinos to make health and wellness a priority.”
Dating sikat na singer, wa’ na raw kayod sa Tate… ICE, GAME IPAGPRODYUS NG SHOW SI JAKE ZYRUS
Nag-uumpisa pa lang ang taon ay very busy na ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño sa kanilang mga projects for 2025, kung saan ang unang pasabog nga nila ay ang Love, Sessionistas concert na isang pre-Valentine concert on Feb. 8 na magaganap sa The Theater at Solaire.
Reunion ito ng Sessionistas na nagsimula sa ASAP nu’ng 2009 at tumagal hanggang 2015 na binubuo nina Ice Seguerra, Juris, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano, Sitti at Nyoy Volante.
Kasama rin sana sa grupo sina Nina at Richard Poon, pero ani Ice na director ng Love, Sessionistas, hindi available ang dalawa sa first night ng concert on Feb. 8 kaya hindi nakasama. Pero sana raw, sa Day 2 sa April 4 ay makasama na nila sina Nina at Richard para kumpleto sila.
Ang sayang magkakasama ng Sessionistas dahil naging magkakaibigan na sila at solid ang friendship nila kahit may kani-kanya na silang career. Nabuwag man ang grupo sa ASAP, hindi raw natigil ang friendship nila kaya super excited na sila sa kanilang magiging reunion concert.
Samantala, natanong namin si Direk Ice kung puwede rin ba niyang ipagprodyus ng concert ang co-LGBT niyang si Jake Zyrus dahil balitang wala nang kumukuha rito para mag-show sa USA.
Positive naman ang sagot ni Ice na puwede naman at ‘yun ay kung babalik siguro si Jake sa ‘Pinas.
Bukod sa mga concerts, nagpo-produce rin ang Fire & Ice Productions ng movies at stage play, kaya kung uuwi si Jake, baka nga mabigyan siya ng trabaho nina Ice at Liza, either concert o gigs, devah?!