ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 24, 2024

Nag-issue na ng statement si Sen. Jinggoy Estrada bilang paglilinaw sa naging pag-handle niya last time sa rape issue ni Sandro Muhlach na dinidinig sa Senado.
Kung matatandaan, nairita at nagbanta pang magwo-walkout si Sen. Jinggoy habang ginaganap ang hearing sa Senado nang tumangging idetalye ng panganay na anak ni Niño Muhlach na si Sandro ang naganap na panggagahasa diumano sa kanya ng dalawang GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Dode Cruz nu'ng July 21, 2024.
Ayon sa written statement na binasa ni Sen. Jinggoy, "I understand that my recent questionings in the Senate hearing gave the public impression of me being harsh, insensitive and apathetic.
"It was never, never my intention to victim blame or humiliate those who have come out to disclose the tragic realities happening in the movie industry or the entertainment industry, but rather to address a systemic issue that has been hurting our artists and workers."
Dagdag pa ng senador, "My passionate approach which did not sit well to the public monitoring the proceedings stems from a deep frustration that these problems have persisted for years.
"Parte po ako ng industriyang ito kaya alam ko na matagal na po itong nangyayari, at patuloy na nangyayari. Pero takot lumantad ang mga biktima, nahihiyang magsalita. Ang mga isyung ito ay pabulong lamang na pinag-uusapan."
Ipinagdiinan din ni Sen. Jinggoy na hindi raw niya binabalewala ang rape issue at iba pang related concerns.
"Wala po akong intensiyon na balewalain ang nararamdaman ng mga biktima ng pang-aabuso, sexual abuse, or sexual harassment. Walang-wala po.
"Ngunit bilang parte ng industriyang ito, hindi ko kukunsintihin ang ginawa ng sinasabing may otoridad o kapangyarihan sa industriya.
"In fact, I condemn all forms of violence regardless of gender, particularly in this industry where abuses — katulad ng sinasabi ko — have been ongoing for so long."
Ngunit taliwas sa inaasahan ng senador na maipaliwanag ang kanyang panig, lalong inulan ng pamba-bash si Sen. Jinggoy dahil sa tahasan niyang pag-amin na matagal na pala niyang alam na may nagaganap na pang-aabuso sa entertainment industry, pero bakit wala raw siyang ginawa at kung 'di pa nagsalita ang isang Sandro Muhlach, hindi pa pala mabubuksan ang malaking isyung ito sa Senado.
Ilan lang sa mga comments ng mga netizens…
“Matagal nang nangyayari…”"Sa tagal mo sa Senado, wala kang ginawa para matigil ang pang-aabuso sa mga kapwa mong nasa entertainment industry?!"
"Passionate your ahh lol! Matagal mo na pala alam, wala ka initiative to address it given the govt. position that you held."
Pang-aasar naman ng iba pang netizens kay Sen. Jinggoy, "Char char ka. Dapat talaga may totoong Law knowledge, eh."
"Really? Your are a huge joke sa Senate."
"Bakit ba nandiyan pa 'yan sa Senado? What a clown and waste of taxpayer's money."
Ang witty naman ng isang netizen sa comment nitong "Naku, Jinggoy, 'yung sinseridad mo, parang leeg mo… 'di ko makita!"
Mapapa-"Nyahahahaha!" ka na lang talaga!
HLA MOVIE NINA ALDEN AT KATHRYN SA CANADA, INUNAHAN NINA LA AT KIRA

Natawa rin kami nang malakas kasama ng ilang press friends sa intimate interview namin sa isa sa most in demand directors ngayon na si Direk Benedict Mique nang magbiro ito ng "'Di ko naman pinapunta sa kuwarto ko!" bilang sagot nang biruin din namin siya ng tanong na mabuti at hindi siya ipinatawag sa Senado matapos ang controversial na 'dirty finger' scene ng batang si Euwenn Mikael Aleta sa Netflix movie na Lolo and the Kid.
Naging usap-usapan pala ang naturang eksena sa social media dahil ang feeling ng iba, hindi good influence sa manonood at hindi dapat ginawa 'yun ng isang bata.
Paliwanag naman ni Direk Benedict, parte 'yun ng istorya at kailangan talagang gawin ni Euwenn ang eksena kung saan kinorek naman siya agad ng gumanap na lolo niyang si Joel Torre dahil paano raw maitatama ang pagkakamali ng bata kung hindi nito ginawa.
So, may point naman.
Haping-happy ang direktor ng Lolo and the Kid dahil sa loob ng ilang linggo, hindi nawawala sa Top 10 ang pelikulang pinagbidahan nina Joel Torre, Euwenn Mikael Aleta at JK Labajo.
Maging sa ibang bansa ay trending ang Lolo and the Kid.
Kaya sabi nga ni Direk Benedict, tamang-tama naman ang pagdating sa kanya ng follow-up movie niya na kasali naman sa Sinag Maynila Festival, ang Maple Leaf Dreams, na pagbibidahan ng bagong tandem nina Kira Balinger at LA Santos.
Ipinapanood na rin sa amin ni Direk Benedict ang trailer ng movie na kinunan sa Canada kung saan gumaganap na OFWs sina Kira at LA, at sabi nga namin, may chemistry naman pala ang dalawa kaya hindi mahirap ibenta ang pelikula.
Tinanong namin si Direk Benedict kung ano'ng masasabi niya na parang ipe-preempt nito ang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kinunan din sa Canada, at ang sagot ng direktor, nauna talaga sila dahil last year pa ginawa ang movie na ipapalabas na sa Sept. 25 sa mga sinehan.
'Wag daw sanang isipin ng iba ang kompetisyon kundi suportahan ang parehong pelikula na magkaiba naman ang mga bida at ang istorya.
Hmmm… ganu'n din kaya ang maging thinking ng mga Kathryn at Alden fans? Tingnan natin, hehe!