ni Janiz Navida @Showbiz Special | Dec. 6, 2024
Photo: Coco Martin at Julia Montes - Instagram
Grabe pala ang inabot na mga sugat at sakit ng katawan nina Cong. Arjo Atayde at Julia Montes sa kanilang mga action scenes sa 50th MMFF's entry ng Nathan Studios na pag-aari ng pamilya Atayde, ang Topakk.
Kuwento ng producer na si Ms. Sylvia Sanchez sa ginanap na grand mediacon ng Topakk last Wednesday night, si Julia ay napako sa tuhod at nauntog ang ulo, habang si Cong. Arjo naman ay nasugatan sa kamay, at gayundin naman ang iba pang cast ng movie tulad nina Sid Lucero, Enchong Dee at iba pa.
Pero dahil parehong aktor talaga at dedicated at passionate sa kanilang pag-arte, kahit naaksidente na sina Julia at Cong. Arjo, tuloy ang shooting!
Nakakabilib si Julia sa kuwento niya na nang mapako siya sa tuhod, basta na lang niya binunot ito nang hindi na nakatutok sa kanya ang camera instead sumigaw ng "Cut!" para gamutin siya.
Ayaw daw kasi niyang masira ang eksena at matigil ang trabaho nila kaya kahit nasugatan at nasaktan, "the show must go on" ang peg niya.
At parehong very thankful naman sina Cong. Arjo at Julia sa kani-kanilang partner na sina Maine Mendoza at Coco Martin, respectively, dahil parehong all-out support ang dalawa sa kanilang Topakk movie na nu'ng unang ipalabas sa Cannes Filmfest ay umani na ng good reviews, maging nang magkaroon ito ng private screening before the grand mediacon na dinaluhan ng mga vloggers at influencers.
Ani Arjo, bagama't nag-aalala rin naman si Maine, alam naman nito na action ang kanilang ginagawa kaya paalala na lang na mag-ingat ang lagi nitong sinasabi sa kanya.
Thankful naman si Julia na nagamit nila sa Topakk ang mga natutunan niya sa paggawa ng action film mula sa mga turo ni Coco Martin.
At dahil nag-enjoy nga sila sa mga kakaibang experience na naranasan while filming the movie, sabi ni Julia, sa kabila ng mga hirap, kung may chance na gumawa sila ng another Topakk, game na game pa rin daw siya.
Samantala, tinanong namin sina Arjo at Julia kung paano sila nilalambing ng mga partner nila in real life kapag tinotopak na sila.
Si Arjo ang unang sumagot habang natatawa, "Yakap," na sinegundahan ni Julia na parang nahirapang mag-isip kaya ang sagot ay, "Yakap na lang din," sabay tawa.
So, 'yun na!
Kaya sa mga malakas ang topak d'yan (char!), bagay na bagay sa inyo ang MMFF entry na ito na showing on Dec. 25 mula sa direksiyon ni Richard Somes.
Kahit umuulan nu'ng Linggo (Dec. 1) ng umaga, natuloy pa rin ang ginanap na World AIDS Day Walk 2024 sa Pasig City kung saan nasa 1,500 participants ang nag-join sa taunang selebrasyon na ito.
Dumalo ang Secretary of Health na si Ted Herbosa at mga taga-Department of Health pati na rin ang mga taga-Philippine National AIDS Council.
Kinahapunan, ginanap naman ang launching ng mga ambassadors ng World AIDS Day U=U Campaign na pinangunahan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.
Inilunsad din ang aktor at modelo na si Markki Stroem at sina Adrian Lindayag, Janlee Dungca at Lorenz Olleres bilang mga kapwa-ambassadors ni Pia.
Ayon sa DOH, kada araw ay may naitatalang 58 cases ng HIV sa bansa na nasa edad 15 hanggang 24 .
Kaya naman, layunin ng campaign na mas mapalaganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa HIV at AIDS.
Puson maumbok, 'di raw buntis…
ALEX: BUSOG LANG AKO!
Super-saya at ang bongga ng ginanap na Christmas Party ng Society of Phil. Entertainment Editors (SPEEd) kung saan isa kami sa mga members sa Rampa Bar last Dec. 1.
In fairness, kahit bisi-bisihan na ang mga pipol ngayon, especially ang mga celebs dahil sa kaliwa't kanang Christmas parties, naglaan ng panahon sa amin at maagang dumating sina Ara Mina, Ms. Roselle Monteverde at anak na si Keith Monteverde (Regal Entertainment producers), singer-comedian TJ Valderrama na talent ng Curve Entertainment ni Mr. Narciso Chan, Ms. Boots Anson-Rodrigo (na nakasabay pa namin sa entrance ng Rampa Bar), Jake Cuenca, mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño, ilang Vivamax talents kasama si Salome Salvi, mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde kasama si Ms. Anne Feo na isa sa cast ng Topakk, at pinakahuling dumating at nag-duet pa ng Christmas song ang mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada.
Present din ang PR head ng Kapamilya Network na si Sir Kane Choa kasama ang kanyang team, si Ms. Claire Papa ng Unilab kasama rin ang kanyang PR team, si Ms. Marianne de Vera ng Pascual Laboratories, si Sir Wilson Flores ng Kamuning Bakery, Ferlin Parreno ng Viva, at PR manager na si Chuck Gomez.
All-out support din ang mismong may-ari ng Rampa Bar at Frontrow na si RS Francisco at kasama pa niyang naki-party sa amin ang Manila mayoralty candidate na si Sam Verzosa na partner din niya sa Frontrow.
Hindi man nakarating si Ma'm Rei Anicoche Tan ng Beautederm, nagpadala naman ito ng bonggang pa-raffle, gayundin ang aming Kumareng Tates Gana na ang bongga ng pa-havey lalo't sinabi namin sa kanya na part ng proceeds ng sponsorship ng anak na si Harvey Gana-Bautista at ni Mayor Bistek ay mapupunta sa mga biktima ng mga bagyo at gayundin ng sunog sa Tondo, Manila.
Pagdating sa pagtulong, all-out talaga lagi ang aming Mareng Tates na wala mang posisyon sa gobyerno, eh, may mga sarili ring charity works.
Samantala, tinanong namin si Alex nang mapansin naming medyo maumbok ang kanyang puson sa suot na black dress at naka-flat sandals kung preggy na ba siya.
Aniya, hindi pa naman, busog lang siya dahil galing sila sa pa-Christmas party ni Dra. Vicki Belo.
Tinanong namin siya sa recent na pag-iingay ni JC de Vera na nagbulgar na na-offend siya ni Alex. Ani ng younger sis ni Toni Gonzaga, tumawag naman sa kanya si JC after lumabas ang interview at nag-sorry, pero hindi na raw niya pinansin dahil matagal naman nang issue 'yun at ayaw na lang niyang patulan.
Move on na lang daw, tutal ay may kani-kanya na silang happy life.