ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 23, 2024
After 15 yrs., ngayon pa lang magkakaroon ng first major concert ang sikat na Pinoy band na December Avenue na binubuo nina Zel Bautista, Don Gregorio, Jet Danao, Jem Manuel and Gelo Cruz.
December Avenue ang name ng banda nila pero ngayong Agosto 30, 2024 magaganap ang kanilang first major concert titled Sa Ilalim ng mga Bituin sa Mall of Asia Arena.
Hindi pa sila makapaniwala nu’ng una na finally, may producer na tulad ni Ms. Nancy Yang of NY Entourage Productions na susugal sa kanila sa malakihang concert.
Natakot man daw sila nu’ng una na baka walang bumili ng tiket, katwiran nila, sila na lang ang bibili at ipapamigay ito.
Pero hindi ganu’n ang nangyari dahil kalalabas pa lang ng tickets, naka-65% na ang nabili at ngayon ay sold-out na raw, kaya nagbukas ng another section sa MOA dahil marami pa raw humihirit at gustong makahabol na bumili.
Hindi naman kataka-taka na maraming fans ang December Avenue at kayang punuin ang MOA dahil sa mga maliliit na gigs nila sa iba’t ibang bars sa buong ‘Pinas, napaka-accommodating nila sa mga fans at talagang lumalapit pa raw sila para makipag-selfie.
Hindi raw big deal sa kanila ang privacy kahit nasa public place dahil mas gusto nilang may mga fans na nakakakilala sa kanila.
Siyempre nga naman, hindi aabot sa 198 million views ang kanilang kanta na Huling Sandali at iba pang songs kung walang mga fans na tumatangkilik sa kanila.
At kahit 15 yrs. na raw sila sa music industry at marami nang bago at mas batang mga musicians ang nagsusulputan, ‘di naman sila takot malaos dahil du’n naman daw sila galing nu’ng hindi pa sila kilala. Ang mahalaga, chill lang sila at okay lang na hindi maging superstar basta tuluy-tuloy ang kanilang career.
Well, for sure, hindi palalampasin ng mga mahilig sa hugot na music lovers ang first major concert ng December Avenue na Sa Ilalim ng mga Bituin at paghahandaan nila ang pagsabay sa mga kanta ng sikat na Pinoy band.
Mula sa direksiyon ni Paolo Valenciano, don’t miss the hit songs of December Avenue on Aug. 30 sa MOA Arena.
Nakakamatay ang krisis na dinaranas… BYUTI AT SEKSING TV BROADCASTER, BUKING NA ANG PAMBABABAE AT PAGDA-DRUGS NG MISTER NA PULITIKO
BLIND ITEM:
Magkasam pa rin sa bahay ang byuti at seksing TV broadcaster at ang kanyang husband na public servant sa isang lungsod sa Metro Manila, pero basa na ang papel ng lalaki.
Ang chika ng aming reliable source, nakarating na kay wifey ang mga kalokohan ng kanyang hindi lang pala manyak at playboy na mister kundi lasenggo at adiktus pa.
Trueee! Kalorkey din naman ang guy na hindi pa nakuntento sa bisyong babae at alak, may drugs pa on the side.
May mga friends pala ni girl ang mismong nakakakita ‘pag nagpupunta sa isang paborito niyang bar sa Kyusi itong si Mr. Politician at du’n ginagawa ang pagtira ng cocaine at ecstasy.
At ‘pag lango na nga sa alak at may tama na si Mr. Politician, lumalabas na ang pagiging manyak nito, nakikipagkilala sa mga girlash sa bar at ang press release niya ay very much single siya, ha?
Minsan ngang um-attend ito sa isang social event sa Makati, nagpaiwan pa at pinaunang umalis ang kanyang misis na TV broadcaster. ‘Yun pala, ang style niya, mambibiktima ng mga byuti at seksing girlash sa event na bobolahin para maging dyowa at matikman.
Nagpapakilala siyang single at nilalandi ang matipuhang babae na kapag kumagat naman, sabay take home na.
Pati ang kanyang Instagram account ay gamit na gamit ni Mr. Politician sa pambobola ng mga babae. Kahit mga strangers, basta maganda ang profile pic, ina-add niya at kuntodo bida na ang girl ang mundo niya.
Oh, ha? Pamatay ang mga linyahan niya na akala mo talaga, single si Mr. Politician.
Kaso, as the saying goes, “Walang lihim na ‘di nabubuking” kaya ayun, tapos na ang maliligayang araw ni Mr. Politician dahil may nakapagsumbong na nga sa kanyang misis na TV broadcaster ng lahat ng kanyang kalokohan.
Hay, naku! Patay siyang bata siya kapag tinopak si misis. Dadaan siya sa matinding krisis, for sure!!!