ni Janiz Navida @Showbiz Special | Sep. 25, 2024
Crylalu (read: todo-iyak) din kami sa first chapter ng docuseries ng BINI, ang Born To Win na mapapanood na nang libre sa iWantTFC simula sa Setyembre 26 (Huwebes) kung saan tampok ang pagbabalik-tanaw sa kanilang mga pinagdaanang sakripisyo bago matunton ang tinatamasang tagumpay bilang Nation's Girl Group.
Year 2019 pa pala nagsimulang mabuo ang grupo na mula sa matalinong konsepto ng tatay ng Star Magic na si Direk Laurenti Dyogi.
Napanood namin ang Born To Win advanced screening last Monday at du’n namin naintindihan kung bakit super-mahal na ng tiket sa BINI concert dahil grabe rin naman palang mga hirap ang pinagdaanan ng 8 girls na binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna at Sheena.
Grabe, nakakabilib ang determinasyon at tatag ng katawan at loob ng mga batang ito para lang maabot ang kanilang pangarap na maging pambato ng ‘Pinas sa global market at makasabay sa kasikatan ng mga K-Pop groups tulad ng Blackpink.
Sa physical training pa lang na pinagdaanan nila bukod pa sa voice lesson and dance lesson, nakakabilib na dahil maiiyak ka talaga sa hirap, thinking na malayo sila sa kanilang pamilya sa loob ng ilang taon habang nasa training.
Pero ang nakakatuwa rin, ayon na rin sa BINI members, dahil sa araw-araw na magkakasama sila sa loob ng 5 taon, kung nu’ng nagsisimula pa lang sila ay meron pang plastikan, awayan at laglagan dahil nga magkakaiba sila ng ugali, ngayon ay para na silang pamilya o magkakapatid na nagdadamayan sa anumang laban at pinagdaraanang pagsubok ng bawat isa.
Ang galing ng naisip ng team ni Direk Lauren na ilabas ang journey to success ng BINI dahil hindi lang ito magbibigay ng inspirasyon sa mga kabataang gustong mag-artista kundi may hatid ding mga aral ng buhay.
Ipinrodyus katuwang ang ABS-CBN News at Star Magic, iikot ang dokyuserye sa pagsibol ng BINI sa music scene na may hatid ding exclusive footage sa kanilang kauna-unahang major concert na BINIverse.
Dito rin ipapakita ang kanilang mga pinagdaanang hirap para maabot ang kanilang pinapangarap na makagawa ng sarili nilang pangalan sa industriya bilang Nation's Girl Group na nagbigay-buhay sa kanilang hits na Born to Win, Na Na Na, Lagi-Lagi, Pantropiko, at iba pa.
Balikan ang kanilang pakikipagsapalaran bilang Nation's Girl Group sa BINI Chapter 1: Born to Win na mapapanood nang libre at on-demand sa iWantTFC.com at sa official app nito (available sa iOS at Android). Abangan din ang mga susunod nitong episode na malapit ding ipalabas sa iWantTFC.
Chloe, bad influence raw talaga…
LIPS NI CARLOS, OA SA PINK
Burado na pala ang video ng interview ni Toni Gonzaga sa controversial couple na sina Carlos Yulo at Chloe San Jose sa kanyang Toni Talks vlog sa YouTube.
Hinanap namin ang video para mapanood pero wala na ito.
Ang nakalagay na lang kung bakit unavailable na ang video ay: “This video contains content from International Olympic Committee who has blocked it on copyright grounds.”
Akala namin, may mga nag-report na netizens na galit na galit sa GFni Carlos kaya ipinatanggal ang video, hindi naman pala.
Nakakatawa lang ang ibang netizens, pati ang kulay ng lips ni Carlos sa interview ay pinansin, masyado raw pink, at sinisisi na naman ng ilan na impluwensiya raw ito ng dominanteng GF ni Caloy.
Eh, kasi nga matchy-matchy ang magdyowa sa outfit nila, kaya pati kulay ng lips, dapat it’s a tie! Char!
‘Di bumigay kay Kelvin noon…
KIRA, UMAMING SI LA ANG NAKAUNA SA KANYA
SHOWING na today, Sept. 25, in Phil. theaters ang first movie team-up nina Kira Balinger at LA Santos, ang Maple Leaf Dreams na kinunan sa Canada mula sa direksiyon ni Direk Benedict Mique at produced ng 7K Entertainment, Lonewolf Films at ABS-CBN’s Star Magic.
Napanood namin ang romance-drama film sa special screening nito last Friday and we’d say na malakas ang chemistry nina Kira at LA. Ayaw naman nilang amining dahil magdyowa sila in real life kaya gusto na lang naming isiping dahil pareho silang magaling umarte kaya nagampanan nila nang maayos ang kani-kanilang role.
Ang daming crying scenes sa movie at maraming OFWs at pamilya nila ang tiyak na makaka-relate sa story ng Maple Leaf Dreams.
Ang ganda rin ng ilang dialogues lalo na sa eksena nina Kira at LA na nagtatalo sila matapos mamatay ang ama ni Molly (Kira) at nagi-guilty siya sa pagpunta niya sa Canada at iniwan ang pamilya sa ‘Pinas, may suntok sa puso at maraming aral na matututunan lalo sa pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya.
Hindi rin mabibigo ang mga fans na umaasa ng kilig moments kina LA at Kira dahil may kissing scene sila sa Maple Leaf Dreams.
Tinanong namin si Kira kung bakit kay LA siya pumayag magpa-first kiss sa movie at hindi sa una niyang naging leading man sa Chances Are You and I na si Kelvin Miranda.
Paliwanag niya, matagal na niyang kilala si LA at komportable siya rito at alam niyang hindi ito magte-take advantage sa kanya kaya why not naman daw.
Hmmm… ganern ba talaga, Kira? Hehe! Sige na nga!!!
Well, bukod sa ‘Pinas, ipapalabas din ang Maple Leaf Dreams sa major cities sa Canada sa Sept. 27 tulad sa Toronto, Winnipeg, Calgary, Edmonton at Vancouver.
So, sa mga Pinoy nating kababayan d’yan, don’t miss the film dahil tiyak na relate much kayo sa buhay nina Molly and Macky played by Kira and LA.