top of page
Search

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | April 29, 2022



First time naming narinig na live kumanta ang Pinay na sumikat sa X Factor UK na si Alisah Bonaobra sa launching ng kanyang single na Ikaw ang Lahat sa Akin na unang kinanta at pinasikat nina Martin Nievera at Regine Velasquez at grabe, hindi namin mapigilang maging emosyonal dahil talagang bawat bitaw ng nota at lyrics ni Alisah, nanunuot sa kaloob-looban ang kanyang emosyon.


Sabi nga namin sa kanya after niyang kumanta, nakita namin sa kanya ang dating si Charice Pempengco na super-linis kumanta at super-taas ng boses.


Kapag nagsalita at kumilos naman siya, para siyang si Angeline Quinto na very confident at may kasamang pakuwela at confident ding mag-perform.


At ang bitaw niya ng kanyang mga linya, mala-Sarah Geronimo na mapuso at sa kanta pa lang niya, ramdam mo na ang pinaghuhugutan ng kanyang emosyon — ang maabot ang kanyang pangarap na maging mahusay at sikat na singer.


Halos lahat ng um-attend sa launching ng single ni Alisah na Ikaw ang Lahat sa Akin ay halos mapapanganga na lang at speechless dahil sa ganda ng kanyang rendition.


Sabi nga namin kay Ma'm Rosabella ng RJA Productions, naka-jackpot siya kay Alisah na nakikita naming magiging next Charice.


Kaya abangan n'yo ang guesting ni Alisah sa aming online show ni Ateng Julie Bonifacio sa BULGAR Facebook page sa Sabado. Makakasama namin si Alisah Bonaobra sa #CelebrityBTS Bulgaran Na, 11 AM to 12 NN, kaya tutok na, mga Ka-Bulgar!



 
 

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | April 27, 2022



May mga supporters pala ng Kakampink ang nakapansin sa ginanap na birthday-campaign rally kamakailan ni VP Leni Robredo sa Pasay City — kung saan dumalo ang mga sikat na artista tulad nina Vice Ganda at Maricel Soriano — sa naging reaksiyon nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan matapos umanong 'dedmahin' at hindi iendorso nina Vice at Marya ang ka-tandem na vice-presidentiable ni VP Leni.


May mga nabasa kaming comments sa social media na diumano, emosyonal at gustong maiyak ni Megastar habang isinisigaw ng crowd na isama ni Vice si Sen. Kiko sa ineendorso nito at 'wag lang si VP Leni.


Pero buti na lang at hindi na umagaw ng eksena si Mega at nag-thank you na lang sa mga supporters ng asawa.


Masakit man siguro sa kanya na 'di si Sen. Kiko ang 'manok' ng kaibigan niyang si Vice Ganda, wala naman siyang magagawa kundi respetuhin ang choice nito.


Maging si Sen. Kiko, obyus man daw na malungkot nu'ng gabing 'yun, dedma na lang din.


Ang importante naman, maging sport lang ang lahat sa labanang ito sa May 9 dahil sabi nga, isang araw lang ang eleksiyon.


 
 

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | April 26, 2022



Usap-usapan ngayon ng mga netizens at pati ng mga solid fans ni Megastar Sharon Cuneta ang diumano'y pandededma at hindi pagsuporta nina Diamond Star Maricel Soriano at Vice Ganda sa vice-presidential candidate na ka-tandem ni VP Leni Robredo sa May 9 elections.


Sa ginanap na grand rally kamakailan ng Kakampink kasabay ng birthday ni VP Leni, kapansin-pansin na tanging ang pangalan lang ng presidentiable ang isinigaw nina Maricel at Vice.


Maraming naghintay at nag-akalang ieendorso rin nina Marya at Vice ang mister ni Megastar Sharon dahil close friends naman sila ng aktres-singer.


But unfortunately, ayun nga, mukhang may ibang 'manok' sa pagka-bise-pangulo ang dalawang sikat na personalidad.


Actually, hindi naman sina Maricel at Vice ang mga unang celebrities na hindi nagpahayag ng suporta kay Sen. Kiko Pangilinan kahit pa mister siya ni Ate Shawie.


FYI ng mga hindi nakakaalam, "BFF" ang tawagan nina Sharon at Comedy Queen Ai Ai delas Alas mula nang magsama sila sa isang pelikula noon. And yet, bukas si Ai Ai na BBM-Sara Duterte ang kanyang sinusuportahan.


At maging ang isa pang love na love na komedyante-kaibigan ni Ate Shawie na si Bayani Agbayani ay open din sa pagsuporta kina BBM at Sara at magkasama pa nga sila ni Ai Ai sa entablado sa campaign rally ng UniTeam.


But in fairness kay Ate Shawie, wala naman kaming naririnig na mga 'hugot' mula rito kung hindi man bet ng mga BFF niyang suportahan at iboto ang kanyang mister na si Sen. Kiko.


Mukhang malinaw naman kay Megastar at naiintindihan nito na hindi niya talaga mapi-please ang lahat.


After all, kahit sa magkakaibigan, iba-iba ang opinyon at takbo ng utak kaya hindi puwedeng iisa lang ang maging choice ng lahat.


Ang bottomline lang naman ay RESPETUHAN… WALANG PERSONALAN!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page