ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 27, 2025
Photo: Rhian Ramos - Instagram
“Sexiest Baker” pala ang bagong titulo ng Kapuso actress na si Rhian Ramos, at ang mismong president ng Filipino-Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) na si Mr. Chris Ah ang tumawag nito sa kanya.
Matatandaang nag-viral sa social media few weeks ago ang photos ni Rhian na naka-bikini habang nagbe-bake ng kanyang “Bas Bake Cookies”.
Kaya naman sa ginanap na mediacon kahapon para sa Bakery Fair 2025 na magaganap from March 6 to 8, 2025 sa World Trade Center, proud na ini-announce ng FCBAI president na umoo na sa kanila si Rhian para mag-demo ng “How To Bake Frozen Bas Bake Cookies” nito.
Ang paliwanag ni Mr. Chris Ah, ang pagiging effective social media influencer ni Rhian at lakas ng hatak nito ang ilan sa mga factors kung bakit ito ang napili nilang imbitahan para maging parte ng Bakery Fair 2025.
Nag-blush naman ang FCBAI president sabay tago ng mukha sa suot na jacket nang kantiyawan ng moderator ng mediacon na si Sir Wilson Flores ng Kamuning Bakery nang tanungin namin kung natikman na ba nito ang cookie ni Rhian.
Natatawang sagot na lang ni Mr. Ah, “Sa lahat ng gustong makatikim ng cookie ni Rhian, magpunta kayo sa Bakery Fair para matikman natin ang cookie (with diin, ha? Hahaha!) ni Rhian.”
Next question, magde-demo ba si Rhian ng baking na naka-two-piece bikini at walang hairnet tulad sa viral photos nito?
Sagot ni Mr. Ah, “Bawal po kasi. Ang rule ng World Trade, bawal ang maikling shorts, dapat business attire.”
Anyway, bukod kay Rhian, darating din daw si Marvin Agustin para magbigay-support at maging speaker sa Bakery Fair 2025 kasama ang iba’t iba pang chefs tulad nina Boy Logro, Angelica Hong, Waldo Deroo, Jay Wong, Mito Sweets at marami pang iba na may demo rin ng kani-kanilang expertise para sa mga mahilig mag-bake.
Mister, never daw humirit…
IZA, IPINAUUBAYA NA LANG KAY LORD KUNG MABUBUNTIS ULI
HINDI lang parehong strong ang personality, pareho ring madaldal, makuwento at mahabang magsalita ang mga bida ng The Caretakers na sina Iza Calzado at Dimples Romana kaya sila nagkasundo.
Kaya nga sabi ni Iza, kahit 7 days lang silang nagsama sa shooting ng Regal Entertainment at Rein Entertainment collaboration movie na showing na sa mga sinehan simula kahapon, Feb. 26, itinuturing na nila ni Dimples na “totoong kaibigan” ang isa’t isa at hindi lang “shooting friends”.
Nakita raw ni Iza ang pagiging genuine ni Dimples lalo na sa pagbibigay ng mga tips sa kanya bilang third-time mommy na ito at mas may karanasan na sa pagiging ina.
Natuwa naman si Dimples na kahit “superstar” daw si Iza, marunong itong magbigay ng moment sa eksena at hindi nananapaw kaya maganda ang naging chemistry nila sa The Caretakers.
Natanong namin si Iza kung ang pagiging active na ba niyang muli sa showbiz ay sign na wala pa silang balak ng mister na si Ben Wintle na sundan ang kanilang first baby na si Deia.
Pa-sweet pero obyus na paiwas na sagot ni Iza, “I’d rather not answer that. Siyempre, ‘di ba, thy will be done. We would love to be blessed. Just pray for us.”
Supportive naman daw ang kanyang mister sa acting career niya at hindi ito nangungulit na sundan na nila ang kanilang panganay. Basta kung darating daw at ibibigay ni Lord, tatanggapin nila.
Pero sa ngayon, ayaw munang tumanggap ni Iza ng mga teleserye at natatawang sabi nito, “Hindi muna tayo magte-teleserye hangga’t kaya pa ng bank account.”
Samantala, puring-puri ng mga producers na sina Ms. Roselle Monteverde at anak na si Keith Monteverde (ng Regal Entertainment), maging ni Direk Lino Cayetano (ng Rein Entertainment) ang husay na ipinakita nina Iza at Dimples sa The Caretakers.
At maging ang mga supporting cast na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Althea Ruedas, Erin Rose Espiritu, Erika Clemente, Inka Magnaye at Jake Taylor ay pare-pareho ring may moment sa first horror movie ng Regal and Rein Entertainment for 2025.
Showing na at showing pa rin ang The Caretakers sa mga sinehan mula sa direksiyon ni Shugo Praico at pakiusap nga nina Iza at Dimples, bigyan sila ng chance ng mga moviegoers na panoorin ang movie dahil hindi lang ito basta horror film, may maganda rin itong lesson sa ating lahat lalo na’t tungkol ito sa love for nature at kung ano ang kayang gawin ng isang ina para sa kanyang anak.
Ibang klaseng award ‘yan…
SIKAT AT TISAY NA YOUNG ACTRESS, PADYUG SA BIGTIME POLITICIAN KAYA TODO-DISPLEY SA LUXURY CARS
BLIND ITEM:
PINAGTAASAN lang ng kilay ng ilang showbiz insiders ang press release ng isang sikat at tisay na young actress na galing sa kanyang dugo’t pawis ang ipinambili niya sa mga ipine-flex niyang luxury cars.
Bulung-bulungan na pala kasi sa showbiz na ang sikat at tisay na young actress ay dumaan na rin sa mga kamay ng matinik sa chicks na bigtime politician.
Kilalang mahilig sa bata ang bigtime politician kaya kesehodang parang anak na lang nito ang kanyang partner in bed ay mas lumalakas siya at parang nai-stemcell.
Wala pang nababalitang boyfriend ang sikat at tisay na young actress, pero obyus nga sa katawan nito na nag-iba na ang porma at hindi na pa-“Virgin Island” ang hugis.
Well, magaling umarte ang young actress at mukhang matalino siya dahil ginamit niya ang kanyang beauty para magkaroon ng kakaibang klase ng ‘award’.
‘Yun na!