top of page
Search

ni Angela Fernando @News | Oct. 4, 2024



News Photo

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan Third Division nitong Biyernes sina dating Senate President at kasalukuyang Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, kanyang dating chief of staff na si Atty. Jessica “Gigi” Reyes, at negosyanteng si Janet Lim Napoles sa P172-milyong kasong plunder na isinampa kadikit ng pork barrel scam.


Ayon sa korte, ang tatlo ay na-acquit dahil sa kabiguang mapatunayan ng prosecution ang kanilang pagkakasala nang walang kahina-hinalang batayan.


Nagpaabot ng pasasalamat si Enrile sa mga mahistrado sa isang interview habang nagpahayag ng kanyang kagalakan si Napoles sa isang hiwalay na panayam.


Gayunpaman, si Napoles ay mananatiling nakakulong dahil sa dalawa pang hatol ng plunder na may kaugnayan sa pork barrel scam. Samantala, tumanggi namang sumagot si Reyes sa paulit-ulit na mga tanong kung naniniwala siyang naihatid na ang hustisya.


 
 

ni Madel Moratillo | July 1, 2023




Napatunayang guilty ng Sandiganbayan sa kasong graft, malversation at direct bribery si dating Davao del Norte 1st District Rep. Arrel Olaño kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.


Anim hanggang 10 taong pagkabilanggo ang ipinataw ng Sandiganbayan para sa bawat bilang ng kaso kay Olaño habang hanggang 16 taon naman sa kasong malversation at 4 hanggang 9 taon naman sa direct bribery.


Nahatulan ding guilty sina Janet Lim Napoles, dating Technology and Livelihood Resource Center manager Maria Rosalinda Lacsamana at iba pang indibidwal.


Mas binigyang bigat ng korte ang testimonya ng whistleblower na si Benhur Luy at iba pang documentary evidence kabilang ang daily disbursement reports, bank documents at report ng Anti-Money Laundering Council.


Sinasabing idinivert umano ni Olaño at mga kapwa akusado nito ang kanyang PDAF na nagkakahalaga ng P1.89 million, P4 million at P2.5 million sa non-existent projects noong 2007.


Sa pagdinig una nang sinabi ni Olaño na pineke ang kanyang pirma.


 
 

ni Madel Moratillo | May 23, 2023




Absuwelto sa 16 na bilang ng kasong graft sa Sandiganbayan ang convicted pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.


May kaugnayan ito sa pork barrel scam kung saan idinawit din si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.


Sa desisyon ng Sandiganbayan’s First Division, nakasaad na bigo ang prosekusyon na patunayang guilty beyond reasonable doubt si Napoles kaugnay ng Republic Act No. 3019 o the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.


Matatandaang naabsuwelto sa kaso si Revilla noong 2021 dahil din sa kawalan ng sapat na ebidensya.


Nag-ugat ang kaso sa akusasyong inilagay umano ni Revilla ang P224 milyon na kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa bogus non-government organizations na pag-aari ni Napoles.


Sa kabila naman ng desisyon ng 1st Division, mananatili pa rin si Napoles sa bilangguan.


Ito'y matapos naman siyang hatulang guilty ng Sandiganbayan 2nd Division sa dalawang bilang ng kasong graft at malversation kaugnay sa mahigit P7M pork barrel fund ni noo’y Davao del Sur Rep. Douglas Cagas.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page