ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 5, 2021
Nagbabala si Phil. Red Cross Chairman at Sen. Richard Gordon na “anytime” ay maaaring itigil ang pagsasagawa ng COVID-19 testing ng PRC dahil sa malaking utang sa kanila ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na umabot sa P762.8 million.
Pahayag ni Gordon, "We will stop anytime because masyadong kampante ang PhilHealth. Akala nila, we are government. We are not government.”
Ayon din kay Gordon, umorder ang PRC ng 480,000 test kits na nagkakahalaga ng $5 million at kailangan ding bayaran ang mga medical technologists.
Aniya, "Hindi naman kami puwedeng malugi. Ano, kami [ang] magpapakamatay dahil sa negligence at mal-administration ng PhilHealth? Hindi naman tama iyon.”
Samantala, hindi tinanggap ni Gordon ang paliwanag ng PhilHealth na ang pagre-review ng mga dokumento ang dahilan umano ng mabagal na pagbabayad nito sa PRC.
Saad ni Gordon, "They are just looking for excuses. How can they say that? Lahat ng tine-test namin, galing sa kanila. Lahat ng isinulat doon, galing sa kanila.”