ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 4, 2023
Binigyang-diin ng Israel ang kahalagahan ng pagkakaisa laban sa terorismo matapos ang pambobomba noong Linggo sa Marawi City, na pinaniniwalaang isinagawa ng mga militante, na ikinamatay ng apat at ikinasugat ng daan-daang tao.
Nagsabi ang Israeli Embassy sa Maynila na ito'y nakikiisa sa gobyernong Pilipino at sa mamamayang Pilipino sa harap ng kasuklam-suklam na pag-atake sa isang gymnasium sa Mindanao State University sa isang misa noong Linggo ng umaga.
"Terrorism is a global threat that needs collective unity among nations to safeguard the well-being of all people and community," pahayag ng embahada.
Sinabi rin nito na kinokondena nito ang karuma-dumal na aktong terorismo at naroroon ang kanilang mga puso para sa mga biktima at kanilang mga naiwang pamilya.