ni Mary Gutierrez Almirañez | March 30, 2021
Sisimulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga edad 18 hanggang 59-anyos na indibidwal na may comorbidities tulad ng chronic respiratory, kidney o liver disease, hypertension, cardiovascular disease, diabetes at tuberculosis sa Maynila simula bukas, Marso 31, ayon kay Mayor Isko Moreno.
Kaugnay ito sa karagdagang suplay ng Sinovac COVID-19 vaccines na inilaan ng lokal na pamahalaan sa lungsod kaya maaari na nilang simulan ang pagbabakuna sa mga nasa A3 priority list.
Nauna nang isinagawa ang online pre-registration sa https://bit.ly/3tUBHpw at para sa mga hindi nakapagparehistro ay maaari nang ihanda ang katibayan ng kanilang medical condition katulad ng medical certificate, prescription o reseta at hospital records.
Samantala, sa mga senior citizen na hirap bumangon at lumakad ay puwede silang magpapunta ng kamag-anak sa pinakamalapit na vaccination site upang mag-request ng home service.
Sa ngayon ay sinimulan na ring iturok ang pangalawang dose ng Sinovac sa mga healthcare workers na nabakunahan nu’ng nakalipas na 28 days.
Sa huling tala ng Manila Health Department, 17,809 na ang administered doses sa lungsod kasama ang mga frontliners at senior citizens. Maaari na ring makapagparehistro ang ibang residente sa ibinigay na link ng mga sumusunod na LGU:
• Caloocan: https://bit.ly/3fpGueD
• Las Pinas: https://bit.ly/LasPiñasVaccination
• Makati: https://bit.ly/3d8VdrE
• Malabon: https://bit.ly/31x3YWV
• Mandaluyong: https://bit.ly/31qsyZD
• Muntinlupa: https://bit.ly/2NYFeUr
• Navotas: https://bit.ly/3crmaI2
• Paranaque: https://bit.ly/31sEMko
• San Juan: https://bit.ly/39Bi7ri
• Quezon City: https://bit.ly/3suTPpV
• Valenzuela: https://bit.ly/39oYmCK