ni Jasmin Joy Evangelista | January 31, 2022
Inihayag ni presidential aspirant Isko Moreno na siya ay magiging ‘friendly’ sa mga responsableng minero habang hindi siya papaboran ang unregulated backyard mining operations sakaling Manalo sa pagka-pangulo.
Sa isang TV interview noong Huwebes, sinabi ng Aksyon Demokratiko standard-bearer na plano niyang payagan ang pagmimina sa bansa basta masusunod ang “gold standard” ng environmental protection.
“What we need is to create jobs because we’ve lost so much. What we need is new business because the economy is really affected by this pandemic,” aniya. “We have to be aggressive. We have to be practical but at the same time we have to be responsible also for the next generation,” dagdag pa ni Domagoso.
Gayunman, hindi niya umano papaboran ang backyard mining operations na karamihan ay hindi nakokontrol at pinagmumulan ng pagkasira ng kalikasan.