top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 23, 2022




Hindi nakatiis ang Megastar na si Sharon Cuneta na dedmahin na lang ang panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno na mag-withdraw na sa pagtakbong pangulo sa May 9 elections si VP Leni Robredo, kaya sa grand rally ng Team Kakampink sa Dumaguete kamakailan, sinagot niya si Yorme.


Ayon kay Megastar, “Pinawi-withdraw pa nga si Ma’am Leni. Hindi ko makuha ang logic ni Mayor. Hindi ko talaga makuha.”


Dagdag pa ng misis ni vice-presidentiable Kiko Pangilinan, “What planet does that kind of logic exists on? I’m so sorry.”


Pero sa kabila ng panonopla ni Ate Shawie kay Yorme, pinasalamatan din niya ang alkalde ng Maynila dahil marami raw supporters nito ang lumipat na sa Leni-Kiko tandem.


"Actually, that’s a beautiful Easter gift he gave us all. Thank you, Mayor,” sabi pa ng aktres-singer.


May kasabihan, "Less talk, less mistake," at minsan, kapag nagiging masyadong maboka ang isang tao, hindi na napag-iisipan kung tama o mali ang lumalabas sa bibig, na siya rin niyang ikinapapahamak.


Kaya esep-esep bago putak!





 
 

ni Zel Fernandez | April 21, 2022


Kulang isang buwan bago ang 2022 National Elections, lalo pang umiinit ang iringan sa pagitan ng mga presidential candidates na kasalukuyang sentro sina Mayor Isko Domagoso at VP Leni Robredo.


Matapos ang isyu ng mga patutsada umano kay aspiring president VP Robredo na mag-withdraw na lamang ng kanyang kandidatura, isang hamon naman ang binitiwan ng kakumpetensiya nito sa pagka-pangulo na si Mayor Isko, na itanggi kung hindi rin nila pinaaatras sa pagtakbo sa posisyon ang ibang mga kandidato.


“I challenge the honorable Vice-President Leni Robredo, deny… deny n’yo na hindi n’yo kami pinaaatras. Ang tanong ko, bakit, kayo lang ba ang may karapatang tumakbo?” ani Domagoso.


Sinagot naman ni presidential candidate VP Robredo ang pasaring sa kanya na umatras sa laban sa pagka-pangulo. Ani Robredo, maghanap na lang sila ng ibang kandidato na papatol sa kanila.


Ayon naman kay Atty. Barry Gutierrez, spokesperson ni VP Leni Robredo, “mula simula, ang tutok ni VP Leni at ng buong kampanya ay manalo sa eleksiyon. Walang nagbago dito”.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | April 7, 2022



“Kung gusto ninyo ng peace of mind, iboto ninyo ako.” Inihayag ni presidential candidate Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Miyerkules na posibleng magkaroon ng coup d’état kung mananalo sa May 9 polls ang “pula” o “dilaw” – at ipinresinta ang kanyang sarili bilang “the alternative.”


“Its time to heal, time to move forward, walang nang awayan sa politika. Kasi talagang ‘pag nagpatuloy ang away n’yan, ‘pag nanalo ang isa, ikukudeta ng isa. ‘Pag nanalo ‘yung isa, ikukudeta ng isa. Aawayin ng isa, aawayin. Hindi na matitigil,” pahayag niya sa ambush interview sa Pagadian City, Zamboanga del Sur .

“Kung gusto ninyo ng peace of mind, iboto ninyo ako. Kasi pansin ko painit nang painit ang away ng pula at dilaw. Personalan na. Talagang medyo nagkakapersonalan na. Talagang medyo nagkakapersonalan na. Kaya ako ang paniwala ko, hindi ito matitigil kapag isa sa kanila. Magbabawian pa din, maghihigantihan pa din. “Para bang sila tumatakbo kasi gusto lang nila tumakbo para talunin ‘yung isa, ‘yung isang political clan laban sa kabilang political clan,” pahayag pa ni Moreno.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page