ni Jasmin Joy Evangelista | September 11, 2021
Inanunsiyo ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na maaari nang magparehistro ang mga kabataang edad 12 hanggang 17 para sa Covid vaccine.
Maaari raw irehistro ng mga magulang ang kanilang mga anak sa www.manilacovid19vaccine.ph sa dalawang paraan.
Puwedeng i-register sa kanilang account at ilagay bilang family member o irehistro nang bukod na account.
Sinabi ng alkalde na ang registration ay paghahanda sakaling magbigay na ng pahintulot ang gobyerno na simulan ang pagbabakuna sa nasabing age bracket.
“Para kapag go na, pwede na tayo magbakuna”, ani Mayor Isko.
Matatandaang kamakailan lamang ay pinayagan na ng mga eksperto ang pagbabakuna ng Moderna and Pfizer sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17.