top of page
Search

ni Lolet Abania | June 2, 2022



Maliit na tiyansa hanggang sa walang panganib o ‘little to no risk’ na ang Pilipinas ay tatamaan ng virus, na pagkakaroon ng lagnat na magiging sanhi sa mga tao na mamatay sa pagdurugo o bleed to death, isang outbreak na na-detect kamakailan sa Iraq, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Huwebes.


Base sa World Health Organization (WHO), sinabi ng DOH na ang Crimean-Congo Hemorrhagic Fever (CCHF) ay maaaring magdulot ng severe viral fever.


Ayon sa DOH, ang karaniwang sintomas nito ay pagkakaroon ng lagnat, muscle ache, pagkahilo, neck pain at stiffness, backache, headache, sore eyes, pagiging sensitibo sa liwanag, nausea, pagsusuka, diarrhea, abdominal pain, at masakit na lalamunan.


“CCHF is said to be endemic to Africa, Balkan states, the Middle East, and some northern Asian countries. The DOH sees little to no risk of the virus entering Philippine borders,” ani DOH sa isang liham na tugon sa media.


Sinabi ng DOH na ang CCHF ay karaniwang naita-transmit sa pamamagitan ng tick bites o kontak sa may infected animal blood, tissue, at fluids. “It is most prevalent in people who work in the livestock, agriculture, veterinarian, and slaughter industry,” saad ng ahensiya.


“Treatment of symptoms with general supportive care has been shown to be the main approach to manage such cases. In addition, the antiviral drug ‘ribavirin’ has been used to treat the virus,” dagdag ng DOH.


Sa latest report mula sa WHO, nabatid na ang Iraq ay nakapagtala na ng 97 kumpirmadong kaso habang 27 ang namatay dahil sa CCHF.


“The virus has no vaccine and onset can be swift, causing severe bleeding both internally and externally and especially from the nose. It causes death in as many as two-fifths of cases,” ayon sa medics ng Iraq.


Sa kabila nito, hindi naman nagrekomenda ang WHO ng anumang restriksyon kaugnay sa pag-travel at pag-trade sa Iraq.


 
 

ni Lolet Abania | July 20, 2021



Nasa 35 katao ang namatay habang marami ang sugatan matapos pasabugin ng isang suicide bomber ang mataong palengke ng Sadr City, karatig ng Baghdad, Iraq, nitong Lunes nang gabi bago ang pagdiriwang ng Eid al-Adha.


Ayon sa mga awtoridad, mahigit sa 60 indibidwal ang malubhang nasugatan dahil sa insidente.


Inamin naman ng Islamic State na sila ang responsable sa pag-atake, batay sa Nasheer news agency sa isang telegram, kung saan pinasabog ng isa sa kanilang mga militants ang kanyang explosive vest sa karamihan na nasa pamilihan.


Base rin sa hospital sources, posibleng madagdagan ang bilang ng mga nasawi sa insidente dahil ilan sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kondisyon.


Agad namang nagpatawag ng pulong si Prime Minister Mustafa al-Kadhimi sa kanyang top security commanders upang resolbahin ang naganap na pag-atake.


Gayundin, nag-post si President Barham Salih sa kanyang Twitter account na nagsasabing: “With an awful crime they target civilians in Sadr City on the eve of Eid ... We will not rest before terrorism is cut off by its roots.”


Matatandaang noong Abril, ang Sunni Muslim militant group Islamic State ay umaming responsable sa pagsabog ng isang kotse sa isang palengke rin ng Sadr City, sa Shi’ite Muslim karatig ng Baghdad kung saan 4 katao ang nasawi at 20 ang sugatan.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 13, 2021



Limampu’t dalawa ang patay at 67 naman ang sugatan matapos masunog ang isang COVID-19 hospital sa Nassiriya, Iraq noong Lunes, ayon sa health official.


Ayon sa inisyal na ulat, sumabog na oxygen tanks sa loob ng COVID-19 ward ng Imam Al-Hussein Hospital ang dahilan ng sunog.


Saad ni Local Health Authority Spokesperson Haydar al-Zamili, “The victims died of burns and the search is continuing.”


Aniya, maaari pang tumaas ang bilang ng mga nasawi at posibleng mayroon pang mga na-trap sa loob ng ward.


Kaagad namang nagpatawag ng pagpupulong si Iraqi Prime Minister Mustafa Al-Kadhimi kasama ang mga ministers at security leaders upang magsagawa ng “high-level investigation” sa sanhi ng sunog sa ospital. Ipinasibak din niya sa puwesto ang direktor ng naturang ospital.


Saad naman ni Iraq Parliament Speaker Mohamed Al-Halbousi, “The catastrophe of Al-Hussein Hospital is clear proof of the failure to protect the lives of Iraqis, and it is time to put an end to this.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page