top of page
Search

ni Eli San Miguel @World News | September 14, 2024



Sports News

Napatay ang apat na lider ng ISIS sa isang US-Iraqi raid sa Western Iraq noong Agosto 29 na nagresulta sa pagkamatay ng 14 na operatiba, ayon sa militar ng US nitong Biyernes.


Ibinunyag ng US ang operasyon noong Agosto, kung saan nasugatan din ang pitong tauhan ng militar. Inihayag naman ng US Central Command nitong Biyernes, na kumpirmado na ang pagkamatay ng ilang lider ng ISIS, kabilang si Ahmad Hamid Husayn Abd-al-Jalil al-Ithawi, na responsable para sa lahat ng operasyon sa Iraq.

 
 

ni Angela Fernando @News | April 28, 2024




Pinasa ng Iraq ang isang batas na nagpaparusa sa mga nasa same-sex relationships na maaaring makulong hanggang 15-taon sa bilangguan nu'ng Sabado.


Isa sa sinasabing hakbang ng batas ay itaguyod ang mga religious values ngunit mariin itong kinondena ng mga humanitarian rights advocates dahil direktang atake ito sa komunidad ng LGBT sa Iraq.


Layon ng batas na protektahan ang lipunan ng Iraq mula sa ‘kawalan ng moral at ang mga panawagan para sa homosexuality na laganap sa mundo,' ayon sa kopya ng batas na sinuri ng Reuters.

 
 

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | August 23, 2023




Ipinahinto ng mga awtoridad sa Iraq ang mga electronic advertising billboard sa Baghdad matapos na ito ay pasukin ng hackers.


Ipinalabas ng mga hackers ang ilang pornographics na pelikula sa isa sa mga billboard na kanilang na-hack.


Nangyari ang pagpapalabas ng malaswang pelikula sa billboard sa Uqba bin Nafeh Square, ang lugar na pinupuntahan ng maraming tao.


Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing insidente.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page