ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 5, 2021
Mabuti na ang lagay ni Pope Francis matapos itong sumailalim sa intestinal surgery dahil sa pamamaga ng large colon nito, ayon sa Vatican noong Linggo.
Ayon sa Holy See Communications Office, sa Gemelli University Hospital umano dinala ang 84-anyos na Santo Papa para sumailalim sa operasyon sa kanyang “symptomatic diverticular stenosis” na isang kondisyon kung saan may nabuong maliit na sac sa muscular layer ng bituka.
Ayon naman kay Spokesman Matteo Bruni, maayos na ang lagay ni Pope Francis matapos ang operasyon.
Aniya, “The Holy Father reacted well to the surgery carried out under general anesthesia.”
Samantala, walang binanggit si Bruni kung gaano katagal inabot ang operasyon at kung hanggang kailan kailangang manatili ng Santo Papa sa ospital.